ANG KAUNA-UNAHANG DIABETES SUMMIT SA DAGUPAN

UNLISERBISYO SA DAGUPAN

ISINAGAWA ang kauna-unahang Diabetes Summit na magbibigay ng libreng lectures on diabetes, blood pressure test, weight & height assessment, blood sugar, cholesterol, triglyceride, electrocardiogram (ECG), ABI foot screening at bone screening, sa mga mahihirap na Dagupeños. Ito’y naging posible sa pagsasanib-pwersa ng LGU-Dagupan thru City Health Office, Region I Medical Center, Phil. College of Endocrinology, Diabetes & Metabolism Pangasinan Chapter, Diabetes Philippines Pangasinan Chapter, Institute for Studies on Diabetes Foundation, Inc. Alumni Association Northwestern Luzon Chapter at ang Pangasinan Association of Medical Representatives Detailmen, Salesmen (P.A.R.D.S.)

Pinasalamatan ni Mayor Belen T. Fernandez ang mga organisasyon sa kanilang kabutihang loob, at kanya ring ibinahagi na primero ang programang pangkalusugan sa siyudad sa pamamagitan ng Alagang Healthy Dagupeño. “We will continue to keep working, to keep Dagupeños healthy and strong, and because our city’s good future not only depends on its strong economy, but also because of its healthy communities”, ayon kay Mayor Belen.

*          *          *          *

PROUD TO BE PRESIDENT OF GIRL SCOUTS!

BUONG puso kong tinatanggap ang responsibilidad bilang pangulo ng Girl Scouts Northern Luzon Region Dagupan City Council! Aking pinasasalamatan sina Presiding Judge Hon. Zarah Sanchez-Fernandez, Ms. Laila F. Morales, our Regional Executive Director, Ms. Lerma P. Nicomedez, Council Executive and Dr. Michelle M. Felstead, Personnel Committee Chairperson for their valuable support.

Higit sa pagiging handa sa lahat ng oras, ang Girl Scout ay lagi ring dapat nagsisilbing ehemplo sa mga kabataan. Tandaan po natin, na sa pagtulong ay walang maliit o malaki – ang importante ay tumulong ka. Kaya’t sa aking parte, non-stop ang aking pagseserbisyo sa ating bayan sa pamamagitan ng scholarship program na ngayo’y pinakikinabangan na ng limang-libong mahihirap na estudyante mula sa 31 barangays ng siyudad.

So, as part of the Girl Scout movement, and with my wholehearted acceptance as its president, I am deeply committed to help shape our young women’s mental, emotional and social qualities.

*          *          *          *

SAMA-SAMA NATING SOLUSYUNAN ANG BAHA!

HETO po ang layunin ng ating konsultasyon kasama ang mga taga-DPWH at mga negosyanteng nakabase sa may Perez Blvd., partikular na sa may YMCA (Tapuac) hanggang sa Magsaysay Bridge.

Importanteng pinag-uusapan din po namin sa conference room ang “tamang lebel” ng kalsadang gagawin (with its drainage) upang masiguro na epektibo ang solusyong kontra baha sa kanilang mga lugar.

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments