UNLISERBISYO SA DAGUPAN

MGA BATA SA POBLACION OESTE, MASAYA SA LIRENG PALIGO NI MBTF

IKINATUWA ng mga bata sa Poblacion Oeste ang libreng paligong dala sa kanila nina Mayor Belen Fernandez, kasama ang mga Malingkor Ya Kalangweran (MYK) Young City Officials sa pangunguna ni Young City Mayor Karah Vianca Vinluan ng DCNHS, at barangay council sa pangunguna ni Kap. Mark Anthony Gutierrez, at SK Chair Princess Alliah Macaraeg.

Partner ng siyudad sa programa ang P&G Safeguard antibacterial soap at Head & Shoulders shampoo; feeding program na inihanda ng City Nutrition Office; oral hygiene kit at vitamins mula sa City Health Office; at maraming freebies mula sa CSI Group of Companies (Milo chocolate drink, Bear Brand, Nescafe, Maggi Magic Sarap Minute Maid apple juice drink, Whisper sanitary napkin, Joy dishwashing liquid, Downy, atpb).  (Dagupan CIO Photos)

*          *          *          *

TULONG SA MGA BIKTIMA NG SUNOG SA SITIO RILES, IPINAHATID

IPINAHATID ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa tulong ng city hall pinamumunuan ni Mayor Belen Fernandez ang mga relief supplies sa mga biktima ng sunog sa Sitio Maharlika Riles, Barangay Caranglaan noong Lunes, Hunyo 24, tulad ng mga essential food items, personal hygiene products, kitchen essentials, sleeping materials at protective sacks.

Binisita ni Mayor Belen Fernandez ang 21 pamilyang biktima ng sunog sa naturang lugar kung saan 13 na bahay at 69 na katao ang apektado. Kasama ng lungsod sa pamamahagi ang DSWD Field Office I, CSWD OIC Irene Ferrer at Caranglaan barangay council sa pangunguna ni Kap. Gregorio Claveria. (Dagupan CIO Photos)

*          *          *          *

ANG DAGUPAN DAY AY PEOPLE’S DAY! KAYA WHOLE DAY ANG SUPER UNLISERBISYO!

SA People’s Day Unliserbisyo Caravan, nakatutok ang bawat serbisyo ng siyudad, nariyan, handang maghatid ng serbisyong kinakailangan, at partisipasyon ng lahat ng sektor at pagpapakita ng pagmamahal sa Dagupan tulad ng pagmamahal ng ina sa kanyang pamilya sa naganap na awarding ng “Uliran Ya Ina na Barangay” at Doña Remedios Tan Fernandez Memorial Award Pinablin Ina na Dagupan.

Ang aktibong pakikibahagi ng mga kabataan para sa magandang kinabukasan sa Manlingkor ya Kalangweran Oath bvTaking . Ang paghahayag ng Moyong na KATROPA ang pangako bilang mga Kalalakihang Tapat sa Responsibilidad at Obligasyon sa Pamilya. Pagbibigay ng terminal leave pay, retirement benefits, at clothing allowance sa mga empleyado ng siyudad.

Para sa barangays, sorpresang na regalohan ng TV at speakers, 25 units of three-wheeler multicab, 50 bancas at binhing palay para sa mga magsasaka sa tulong ng DA. Tulong panghanapbuhay para sa mga TODA drivers sa tulong nina Sen. Loren Legarda at Jinggoy Estrada. (Dagupan CIO Photos)

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments