4PS PAYOUT TO POOR HOUSEHOLDS
UNLISERBISYO SA DAGUPAN
4PS PAYOUT TO POOR HOUSEHOLDS
PATULOY ang pag-tulong ng siyudad sa programa ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng DSWD. Ang 4th batch ng mga 4Ps beneficiaries ay kasama sa 2,050 members na nakatakdang makakuha ng P2,700 hanggang P5,700 cash grant sa layunin ng gobyerno na mapabuti ang kabuhayan ng bawat pamilyang Pilipino. Nagpaalala rin si Mayor Belen Fernandez na maging handa sa banta ng bagyo ngayong papalapit muli ang panahon ng tag-ulan at mga pag-iingat para sa kaligtasan ng pamilya sa oras ng sakuna tulad ng malakas na pagyanig.
Pinayuhan din ni Mayor Belen ang lahat na maging maingat sa banta ng COVID-19 at ipagpatuloy ang pagsunod sa ‘minimum public health standards’ tulad ng pagsusuot ng face mask at kung maaari, manatili sa well-ventilated na mga lugar, maghugas lagi ng kamay o gumamit ng alcohol o disinfecting solution at magpa-konsulta sa doktor kung may sintomas o masama ang pakiramdam. (Dagupan CIO News)
* * * *
CASH INCENTIVES FOR OUR DAGUPEÑO MEDALISTS
KASUNOD ng panalo ng mga atletang Dagupeño sa Region 1 Athletic Association (R1AA) Meet ay ating ipinaabot ang kanilang cash incentives para sa mahusay na laro! Naiuwi nila ang 108 medals (31 golds, 29 silvers and 48 bronzes) ng siyudad na itinanghal na bilang BEST PERFORMING DIVISION FOR BOXING AND AERO GYMNASTICS.
Bawat GOLD medalist ay tumanggap ng P2,000 para sa bawat medal; P1,000 para SILVER; at P500 for BRONZE. May P10,000 para sa boxing and aero gymnastics event bilang best performing division. Nagtapos bilang 4th runner-up ang Dagupan sa buong rehiyon kalaban ang 13 delegations. Congratulations sa ating mga atletang Dagupeño. We are proud of you! (Dagupan CIO News)
* * * *
(OPERATION SITIO) RESIDENTE, BARANGAY, AT LGU: ‘BAYANIHAN’ SA PAGBIBIGAY SOLUSYON SA BAHA
“MAGTULUNGAN 𝘱𝘰 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘶𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘪𝘣𝘴𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘣𝘢𝘩𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘢𝘣𝘢𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘶𝘨𝘢𝘳.” Ito ang paghihikayat ni Mayor Belen Fernandez sa mga residente at barangay sa muling pagsasagawa ng #Operation Sitio na naghahatid ng libreng semento, bakal, hollow blocks, at panambak o backfill sa mga mababang lugar. Isa ang #Operation Sitio sa mga matagumpay na flood mitigation program ni Mayor Belen, simula sa kanyang unang termino, kaantabay ng mga isinasagawang road elevation and drainage system upgrade ng lungsod at DPWH.
Noong Miyerkules, personal na nagsagawa ng inspection si Mayor Belen sa mga barangay na nananatiling apektado ng pagbaha upang mapaghandaan ang papalapit na panahon muli ng tag-ulan. Kabilang dito ang Sitio Kamanggan, sa Barangay Mayombo kasama si Kap Arsenio Curameng; Sitio Looban, Barangay Pogo Chico kasama si Kap Edwin Estrada Cusi; at Brgy. Lasip Grande sa pangunguna ni Kap. Armand Capito. (Dagupan CIO News)
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments