DAGUPAN CITY, NAKIKIISA SA “KALINISAN SA BAGONG PILIPINAS PROGRAM”

UNLISERBISYO

KAISA ang Dagupan City sa pangunguna ni Mayor Belen Fernandez sa programang KALINISAN (Kalinang at Inisyatiba para sa Malinis na Inang Bayan) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, katuwang ang iba’t ibang government agencies at lokal na pamahalaang lungsod sa layuning pagkaisahin at hiyakatin ang bawat mamamayan sa pagsusulong ng ligtas at malinis na kapaligiran katulad ng adhikain ng Dagupan sa Goodbye Basura Program katuwang ang Holcim Philippines Inc.

Ang paglunsad ay ginawa ng Barangay Tapuac na pinamumunuhan ni Kap. Sidney Lomboy kung saan ipinahayag ni Mayor Belen Fernandez ang pagpapasalamat sa bagong pamunuan ng Barangay Tapuac partikular sa determinsayong magkaroon ng transpormasyon ukol sa kalinisan sa barangay. Binigyan ng papuri din ng alkalde ang ginawang vegetable  garden sa lugar na noo’y isang dating “mini dumpsite”. “Napakadami po talagang pagbabago. Totoo ‘yon,” pahayag ni Mayor Belen.  (Dagupan CIO News)

*          *          *          *

BARANGAY FRONTLINERS TINANGGAP ANG ALLOWANCE INCREASE

PINABAYARAN ni Mayor Belen T. Fernandez ang disbursement ng increment in the allowance of barangay workers nitong buwan as na mandato ng approved Supplemental Budget of Dagupan sa pagkilala sa kanilang sakripisyo.

Ang mga nabayaran as of May 20, 2024 ay: Barangay Service Point Officers (BSPO) – from P2,000 to P6,000; Barangay Librarians – from P2,000 to P6,000; Barangay Health Workers (BHW) – from P1,900 to P5,900; Barangay Nutrition Scholars (BNS )- from P2,000 to P6,000; Day Care Workers – from P6,000 to P8,400; and Barangay Tanods – from P1,200 to P3,000. (Dagupan CIO Photo)

*          *          *          *

PHILVOCS NAG-CHECK NG EQUIPMENT SA DAGUPAN

NARITO sa Dagupan ang mga kinatawan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOCS) upang suriin ang mga instrumento ng siyudad para sa kahandaan o disaster preparedness.  Ang “strong motion accelerograph” na mayroon sa Dagupan ay kayang sumukat at makapag record ng datos ng malalakas na lindol.

Magsasagawa rin ang PHIVOLCS ng pag-aaral sa soil profile ng lungsod. Kailangan ito bilang basehan sa pagdesenyo ng mga earthquake resilient buildings.

Lubos na nagpapasalamat si Mayor Belen T. Fernandez sa PHIVOLCS sa kanilang pag-gabay sa siyudad pagdating sa kahandaan laban sa sakuna lalo na sa possible event na The BIG One – EQ MT 8.2.  (Dagupan CIO News)

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments