UNLISERBISYO SA DAGUPAN

ANG BAGONG SAKIT NA LALABANAN PERTUSSIS o WHOOPING COUGH

ANO ang mga dapat gawin at iwasan para ma-protektahan ang sarili laban sa naturang bacterial infection?  Ito ang ating pinag usapan nina Dr. Julita de Venecia, Dr. Benjamin Bautista, Dr. Shiela Sabado, Dr. Richmond Batulan, Dr. Terence Lapeñas, Dr. Genelyza Garcia, Dr. Jude de Vera, nurses Christina Cayabyab, Catherinse Yuzon at Pharmacist Marla Lomibao sa ginagawang pagbabantay ng Dagupan City Health Office (CHO) sa pagtaas ng kaso ng Pertussis (Whooping Cough; Filipino: Ubong Dalahit/Tuspirina) sa bansa.

Ayon sa DOH, dapat malaman ng publiko na ng Pertussis ay isang “vaccine preventable disease” o sakit na maaaring maiwasan sa bakuna. Tayo ay nakikipagtulungan na rin sa DOH para sa catch up with vaccination para rito.  Mariin ding hinihikayat ang pagsusuot ng face mask lalo na kung nasa matataong lugar at mga sarado o hindi mahangin na lugar. “Wag na nating hayaan lumala ang mga simpleng ubo at sipon na pangunahing sintomas nito at agad na magpakonsulta sa doktor kapag may nararamdamang sintomas o hirap sa paghinga lalo sa mga bata,” ang mahigpit na bilin ni Mayor Belen Fernandez. (Dagupan CIO News)

*          *          *          *

J&T EXPRESS EMPLOYEES NAKIBAHAGI SA FAMILY PLANNING

NAGBIGAY ng libreng family planning services ang City Population Office nitong March 20 sa mga empleyado ng J&T Express (Mayombo), isang sikat na express delivery service provider, bilang bahagi ng selebrasyon ng Women’s Month nitong Marso. Tugon ito sa request ng PH Global Jet Express Human Resource Manager Melissa Jeong sa pagsasagawa ng naturang aktibidad para sa kanilang Women’s Month events.

Ayon kay City Population Officer Malen Bernadette Pilon, may 30 employees ang nakibahagi sa lectures sa family planning at basics on human immunodeficiency virus sa pangunguna ng mga speakers na sina Irene Oreta at Crista Marie Pulo. Namahagi rin ang CPO ng family planning commodities tulad ng contraceptive pills at condoms. (Dagupan CIO News)

*          *          *          *

ABET-ABET ED OLIN INBILAY

SA kakatapos na Mahal na Araw, nakita nating muli ang pagsalubong ng imahe ni St. John The Fisherman, ang ating patron, sa Panginoon nating Hesukristo na muling nabuhay. Kasama si St. John the Apostle sa pagsalubong kay Hesus sa reenactment ng “abet-abet” o salubong na isinagawa sa Tondaligan Ferdinand Blue Beach.  Ang ating pag alala sa patron ng lungsod na si San Juan Evangelista, ay hudyat din ng pagsisimula ng selebrasyon ang Bangus Festival. (Dagupan CIO News)

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments