ILOG KO, BUHAY KO, DAPAT MAHALIN KO

UNLISERBISYO NI MAYOR BELEN

PINANGUNGUNAHAN po natin simula ngayon ang pagsasagawa ng 3-Day Simultaneous Clean-up Drive sa mga ilog at creek sa barangay kasama ang City Engineering Office led by Engr. Josephine Corpuz at Waste Management Division Chief Kap. Bernard Cabison.  Bahagi ito ng mga aktibidad para sa pagsisimula ng #BangusFestival, at bigyang solusyon ang mga problemang pangkalikasan tulad ng pagbaha at basura.

Patuloy po ang ating panawagan sa lahat na aktibong makiisa sa #GoodbyeBasura  proper waste segregation program simula sa ating mga kabahayan. Kabilang sa mga barangay na ating binisita ay ang Barangay Pogo Chico sa pangunguna ni Kap Edwin Cusi at Barangay Pogo Grande sa pangunguna ni Kap Arnold Galvan, na abala sa paglilinis sa Mariposa Creek kasama ang barangay council members at mga volunteers.

*       *          *          *

FREE EYE CHECKUP, CATARACT OPERATIONS PATULOY PARA SA MAHIHIRAP NA DAGUPEÑO

PANIBAGONG batch muli ng mga indigent Dagupeño, karamiha’y senior citizens, ang abot-kamay ang pag linaw ng paningin sa programang Alagang Healthy Dagupeño, Free Eye Check-up and Cataract Screening sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Belen Fernandez Sa kasalukuyan ay mahigit 500 beneficiaries na ng programa ang matagumpay na sumailalim sa eye surgery tulad ng cataract and pterygium operations sa tulong ng mga partner doctors mula Buddhist Tzu Chi Medical Foundation Philippines Inc. at CSI Group of Companies.

*       *          *          *


SUPPLEMENTAL BUDGET FOR PROGRAMS, PROJECTS, EMPLOYEES’ BONUSES

WE are gathered here again to continue moving forward after the approval of our 2024 annual budget. Today, we will continue serving the people of Dagupan thru the support of the Local Development Council.

Kasama po dito ang P20,000 Service Recognition Incentive (SRI) ng mga regular employees at P5,000 Gratuity Pay ng mga job-order-employees na ating pong muling i-indorso sa Sangguniang Panlungsod para sa kanilang kaukulang aksyon at approval. This meeting is a repeat of LDC meeting last year, which only means, natanggap na sana ng mga empleyado ang kanilang Christmas bonus kung hindi ibinasura ng pitong konsehal sa sanggunian.

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments