TULUNGAN PARA SA MGA NAGING BIKTIMA NG KALAMIDA

UNLISERBISYO

MAYOR Belen Fernandez: “Nag-usap kami ng aking partner sa serbisyo na si Cong. Christopher De Venecia tungkol sa flood situation ng siyudad at ang tulong na kailangang maihatid para sa ating mga kabaleyan.  Nakikipagtulungan din po tayo sa mga national government agencies dahil nais po natin na mas marami pa po tayong matulungan.

Sa kasalukuyan, mayroon pong mahigit 30,000 families o nasa 116,000 individuals affected by the typhoon and severe flooding dahil sa patuloy pa ring pagbaba ng tubig mula sa upstream lands pababa ng Dagupan. Maliban sa mga nasirang tahanan, apektado rin po ang ating sektor ng agrikultura at pangingisda, maging mga maliliit na kabuhayan.

Indeed, we need all the help we can get, at upang mapabilis po ang recovery ng ating mga kapwa Dagupeñong apektado sa kalamidad na ito.”

*          *          *          *

TULOY TULOY NA PAGHATID NG TULONG

WALANG humpay na naghahatid ng tulong ang siyudad sa mga pamilyang apektado ng pagbaha bunsod ng habagat at nagdaang bagyong Egay.

Sa pangunguna ni Mayor Belen Fernandez, personal na ipinaabot ang mga relief packs sa mga nasalanta sa barangay Mayombo, Bacayao Norte, at island barangay ng Lomboy umaga ng Huwebes, (August 3). Patuloy din sa pagpapaalala ang City Health Office sa mga residente na mag-ingat sa banta ng leptospirosis na maaaring makuha sa paglusong sa baha at kontaminadong tubig. Sa pangunguna ni Dr. Ophelia Rivera, City Health Officer, nagpapamahagi ang siyudad ng mga Doxycycline capsules mula DOH kasama na payo sa mga residente sa pag inom nito kung hindi maiwasang lumusong sa baha.

(Dagupan CIO Photos)

*          *          *          *

TULONG GALING SA BOYSEN! THANK YOU, BOYSEN!

TINANGGAP ng siyudad ang 20 dozens o 240 Boysen t-shirts ngayong araw, August 3, mula sa Pacific Paint Boysen Philippines Inc. sa pamamagitan nina Mr. Joey Chan Area Manager for North Luzon at Jerry de Guzman, Marketing Executive-Pangasinan Area.  Nagpasalamat si Mayor Belen Fernandez sa mga bumubuo ng Boysen dahil dagdag tulong din po ito sa ating mga volunteers na 24/7 nagtatrabaho sa gitna ng kalamidad. “Parating nababasa ng ulan ating mga responders, kaya’t malaking tulong po ito sa kanila, at para may baon silang panibagong damit at maiwasan ang magkasakit,” ani Mayor Belen.  Kasama ng alkalde sa turnover sina City Legal Officer Atty. Aurora Valle, Chief of Staff Atty. Catleya De Guzman at CLGOO Officer Royolita Prangan-Rosario.

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments