The corruption of the party list system

By October 13, 2024G Spot

By Virginia Jasmin Pasalo

 

THE party list system empowers those already in power. A politician or businessman can represent the disempowered and the marginalized just by espousing their advocacy. As a result, most of those who represent the party list system are entrenched family dynasties and representatives of big business interests. The current status of the party list negates the lofty intention for which it was initially created, and poses a danger that expands the tentacles of corruption.

Panganib

Ang iyong mga isda’y mapanganib nang kainin
at ang lupa mo’y di na matamnan
sa dalang lason ng umaagos na tubig ng ilog
mula sa  mga minahan
na dati’y pinaglalabhan
ng mahaharot na kababaihan
at pinagtatampisawan ng
mga kabataang naglalandian
at nagliligawan

Pero wala kang imik.

Nahukay na ng mga ganid ang iyong kabundukan
naglantaan na ang palay at mga halaman
at iyong mga supling ay nakaratay
sa di maisalarawang paghihikahos
at kamangmangan.

Pero wala kang  imik.

Naputol na ng mga kawatan
ang mga punong dating sumasayaw
sa gilid ng kalsada
habang ikaw ay
dahan-dahang
naglalakbay
kasabay ng
diwa’t saloobin
ng mga pipit
na umaawit
ng sabay-sabay.

Nguni’t wala ka pa ring imik.

Hindi ka naman bulag
at lalong hindi ka pipi
pero nakakabihingi ang iyong katahimikan
at pagsasawalang bahala sa mga kasalaulaan
ng mga dios-diosan
na parang ito ang sadyang buhay
na inilaan sa yo
ng totoo at makapangyarihang
Dios

Note: The poem “Panganib” (Danger) was written in 2014, during the height of massive tree-cutting activities along the MacArthur Highway.

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments