Feelings

By November 18, 2006Feelings, Opinion

Lost in translation

By Emmanuelle

In Pangasinense, it translates to strictly mean abalang ed impangitalus. Literally, I guess it means aliwa so pakatalus. Loosely ag makatalus; tauntingly tangay-tangay. Exasperatedly, agaylay. Give this supply, haaay.

Anyway, the title and the above introductory paragraph are beside the point. I wish to share with you a dream speech this writer wrote for her favorite 2007 candidate for all seasons and every possible position. For unknown reason, this event was belatedly celebrated this week. The lateness doesn’t matter; the celebration is still apt and timely:

Kagalang-galang na Punong-Guro, mga other guro ng Paaralang ___; kapita-pitagang Kapitan ___ ng Barangay___, at ang kanyang kapwa kapi-pitagang myembro ng local na konseho at mga residenteng naririto; mga magulang, mga anak at estudyante, mga panauhin; mga ginoo at ginang, mga binibini . . . etcetera, etcetera.

Maganda ang aking umaga. Sana, ganun din sa inyong lahat.

Sa araw na ito, hindi lamang po rito nguni’t maging sa buong bayan ng ___, sa lalawigan ng Pangasinan, sa bansang Pilipinas at sa pandaigdigang eksena – ipinagdiriwang ang pagkatatag ng organisasyon ng pinag-isang mga bansa, o United Nations Organization.

At kaakibat ng pagkakatatag ng organisasyong ito, ay ang panalangin para sa walang-kamatayang pag-asa. . . ang pagbabalik, pananatili at pamamayagpag ng pangkalahatang katahimikan at kapayapaan, ng pagkakaisa at pagtutulungan, ng paguunawaan at pagbibigayan.

Mga guro, mga magulang, mga anak – ako po ay sumasaludo sa inyong pambihirang strength of will.

Bakit po?

Dahil kayo ay nagpasya, nagplano at kumilos mga ilang araw o linggo na ang nakalipas – kahit kayo ay palagiang kahos sa panahon at resources – STILL, kayo ay nagpilit at nagsikap na maitanghal na successful at meaningful ang araw na ito.

E pwede namang palipasin ang selebrasyon na ito with a simple bowing of our heads and a prayer for world peace. . .

Tama po kaya ako sa pagsasabing ang araw na ito ng United Nations ay inyong ipinagpilitang itanghal dahil sa kayo ay naniniwala sa pangangailangan ng MAINGAY na selebrayon upang ipadama sa kinauukulan ang pagkakaisa ng lahat – mga tao, mga bansa, hamak na maliit o mala-higanteng pamayanan?

And the noisier the better to be heard the world over?

Dahil ang baril ay di nakakarinig? At ang mayhawak ng baril ay nagbibingi-bingihan?

Tama ka dyan!

Sa araw na ito, ating maingay na ipaabot sa lahat ng mga marurunong at nagdudunong-dunungan, sa mga siga at nagsisiga-sigahan. . . ang sumusunod na simpleng panalangin, ng mga simpleng mamamayan. Ikaw at ako. Tayo.

Ang magising sa umaga, na may hininga at pintig pa ang puso; kumpleto ang mga paa’t mga kamay; may paningin at pandinig; walang bahid ng takot o suklam; may kaning isusubo, bubong na panangga sa init at ulan, kumot o salawal para sa hubad na katawan; kaalamang panangga sa kawalang muwang at katangahan . . .

Sina Ama o Ina o Kuya o Ate o ako na di tumatakbong paiwas o palayo sa bolo, sa bala o sa bomba.

Amen. At maraming salamat po.

Pasensya na po kayo sa puntong Bisaya, sa Alabang accent, at sa spelling na sadyang kahiya-hiya. One step at a time, Ms Ric, a step each time.

 (For past columns, click http://sundaypunch.prepys.com/archives/category/opinion/feelings/)

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments