Maligayang Pasko, Manigong Bagong Taon Po Sa Lahat!

By December 25, 2011Advertisement, News

CHRISTMAS  MESSAGE  

Bilang isang mabuting Kristiyano at  mamamayang Pilipino, marapat lang na panatilihin natin ang pagmamahalan sa ating puso ngayong Pasko at Bagong Taon. Ito ay upang matamasa  natin ang tamis ng kapayapaan at tagumpay sa buhay na  ating inaasam-asam.
    

Sana, ngayong dakilang mga araw, iwaksi natin ang puot at panatilihin natin ang pagmamahal  upang malampasan  natin ang ating mga problema at anumang pagsubok na darating pa sa ating buhay. 

Gaya ni Jesus na isinilang sa sabsaban na walang saplot sa katawan kundi damo at dayami sa bayan ng Betlehem; siya’y huwaran ng kabutihan at ehemplo ng sinumang nilalang. 

Sa pagsapit ng kapanganakan ng ating Panginoon, ako, sampu ng aking mga mahal sa buhay, kasama ang CSI Group of Companies na pinatatakbo ng aking pamilya, ay malugod na bumabati sa inyo ng isang Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon. 

Idinadalangin ko na sa pamamagitan ng pagpupunyagi,  tiyaga at tapang,  mahahawi rin natin ang daan patungo sa tagumpay. 

Nawa, mabigyan  ng Diyos ng isang masaya at maluwalhating buhay sa matagal pang panahon.  

Manalig sana tayo sa Diyos bilang kanyang mga nilalang!  

 

BELEN FERNANDEZ
Vice Mayor
Dagupan City 

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments