Help me..
Nympa Corpuz Uchi
16 Feb 2010
Dear Governor Amado Espino Jr.,
Ako po ay tubong Pangasinan na nakapangasawa ng taga Manila. Nais ko po sanang humingi ng tulong mula sa inyo para sa tatay ko na pinahihirapan ng kanyang karamdaman. Bilang anak, nahihirapan din po ako na makita syang ganun.
Gusto ko po sanang mapa-CT scan ang tatay ko kasi yun po ang sabi ng mga doktor na tumingin sa kanya.
Wala po akong trabaho, di po namin makayanang magkakapatid ang gastos. Sa ngayon po ang aking mga magulang ay nasa Cabarabuan Mangatarem Pangasinan. Wala po kaming malapitan na iba kundi kayo lang po.
Lubos na umaasa… marami pong salamat.
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments