Archbishop’s Christmas Message
A New Year of Integrity
+SOCRATES B. VILLEGAS
Archbishop of Lingayen Dagupan
From the Cathedral of Saint John the Apostle, January 1, 2010
When the designated time had come, God sent forth His son, born from a woman (Gal.4:4)
Narito ang takdang panahon. Sa kaganapan ng panahon, isinilang ng isang dalaga ang bugtong na Anak ng Diyos upang maging ating Tagapagligtas. Si Jesus, ang Diyos na Sumasaatin, ang tugon ng mapagmahal na Ama sa lahat ng ating kakulangan at pagmamalabis.
The light of the Christmas star is still upon us. One week after Christmas, we celebrate the Motherhood of Mary. In the womb of this virgin, God and man were united again. In the womb of Mary, God restored wholeness to humankind. The great abyss between the spiritual and the material has been destroyed. The wounds of division are ended. Integrity is back.
Bakit nagkatawang tao ang Diyos? Dahil sa pag-ibig sa atin. Bakit Siya nanirahan kasama ng mga taong hamak at yagit ng lipunan? Dahil mahal tayo ng Diyos. Bakit Siya isinilang sa sabsaban at hindi sa isang palasyo? Dahil sa pag-ibig sa atin. Pag-ibig ang dahilan ng Pasko! Iniibig tayo ng Diyos kaya siya nagkatawang tao at nanirahan bilang ating kapwa tao.
May hamon ang Pasko at Bagong Taon! Kung dahil sa pag-ibig, dumating si Jesus sa ating piling at hinamak ang sarili at naging kapwa natin, ano ang kahulugan nito para sa atin? Sapat bang magpasalamat na lamang at makisabay sa pag-awit ng “Papuri sa Diyos sa kaitaasan”? Sapat ba na batiin natin siya ng “Happy birthday” sa araw ng Kanyang pagsilang?
Maliwanag na hindi sapat ito.Ano ang nararapat nating gawin?
Dapat namang magkatawang tao ang ating pananampalataya at ipakita natin sa ating buhay na mahal natin ang Diyos.
Sa mundong magkahiwalay ang salita at gawa, ipinakita ni Jesus na ang Salita ay dapat na isabuhay. Sa mundong magkahiwalay ang pag-ibig sa Diyos at malasakit sa kapwa, itinuro ni Jesus na ang dalawang pag-ibig na ito ay kambal na hindi dapat hatiin. Sa mundong ang ginhawa ng buhay ay ihinihiwalay sa pananagutan, itinuro ni Jesus ang bawat biyaya ay may karugtong na tungkulin. Sa mundong kung saan ang puso ay ginagamit na sagisag ng pag-ibig, itinuturo ni Jesus na ang pag-ibig ay hindi damdamin kundi paghahandog buhay.. Taksil ang damdamin. Ang pag-ibig ay isang pagpapasya na itaguyod ang kapakanan ng minamahal.
The first month of the year is called January, unfortunately named after a Greek god with two faces—symbol of disunity. The month of January glances at the old year and gazes at the New Year at the same time. Janus, the god with two faces, is not ours to imitate. Our Master is Jesus, the God who united word and action. Jesus is the God who makes us whole. Mind and heart must be one. Word and action must be one. Grace and responsibility must come together. Let the New Year be a year of wholeness, of integrity.
Bago dumating si Jesus, hiwalay ang puso at isip. Bago dumating si Jesus, hiwalay ang salita at gawa. Bago dumating si Jesus, hiwalay ang tao at Diyos, hiwalay ang tao sa kapwa tao, hiwalay ang bigkas at ang pamumuhay. Pagdating ni Jesus, nagwakas na ang paghihiwalay at sinimulan na ang panahon ng kabuuan. BUO! Buo na tayo. Buo na ang mundo.Ito ang diwa ng Pasko. Tayo ay maging BUO.
Ang kalooban ng Diyos para sa atin ay kaganapan ng buhay. Ang kaganapan ng buhay ay kabanalan ng buhay.. Ang banal ay “holy”. Kaugnay ng salitang “holy” ay “whole”—BUO. Ito ang dahilan kung bakit nagkaroon ng Pasko—upang wakasan ang pagkakahiwalay—upang tayo ay maging buo.
Ang panahon ng Pasko at bagong taon ay araw ng pagbubuo ng mga nagkahiwalay.Ito ay panahon upang magkabati ang may alitan. Higit sa lahat, ito ay panahon ng pagsasabuo ng buhay at salita. Dumating na ang tamang panahon upang mabuo tayo. Ang pangarap natin na maging banal ang bawat isa sa atin ay siyang landas sa kabuuan ng buhay na siyang kalooban ng Diyos para sa atin.
Dumating na ang kabuuan ng lahat ng ating pangarap. Dumating Siya upang tayo ay buuin.
In 2010, let integrity of life flow like a river. Let wholeness shine like the noonday sun. May 2010 see our land healed and made whole again. May Jesus make us all men and women of integrity and character, Christians who teach by the power of exemplary lives.
Happy New Year of integrity!
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments