Ang love ni Rachel – District 3!
Tulay ka sa aming pampang!
Ni Pauline
Ito ang kahuli-hulian sa tatlong araw na pag-dokumento ng pagdalaw ng Kongresista Rachel “Baby” Arenas sa ilang bayang ng Distrito 3 upang alamin ang estado ng kanyang mga kasalukuyang proyekto lalong-lalo na ang mga tungkol sa muling pagbubukas ng mga eskwelahan.
Kung maalala ninyo, may tulay akong nabanggit sa unang dokumento: Anak, pasukan na, heto ang iyong kwaderno, libro at iba pa! At ang iba pa ay ang bubong at dinding ng iyong bagong eskwela, ang iyong tulay, kasama na ang iyong kalsada! At muli kong nasambit sa pangalawang katuluyan: Aklat, tulay sa karunungan!
Ang kwento ngayon ay tungkol sa tulay na hindi na lamang mula sa dila ng tila makatang pagsasalaysay. Ang tulay na ito ay aktwal, yari sa matibay na bakal at semento na naaayon sa makabago, praktikal at pang- matagalang desenyo. Tawiran mula at tungo sa magkabilang pampangin ng mga bayan ng ika-lima at ikatlong distrito ng Pangasinan. Kayang-kayang pasanin ang bigat ng yapak ng libo-libong tao, traysikel, dyip, kotse at bus, hwag lang ng nagwawalang barko.
Ang tulay ay ang Calvo Bridge, matatagpuan sa Bayambang, bayan ng di-matawarang karunungang pang-edukasyon. Dahilan sa mga nakaraang pagsentro ng matitinding hampas ng bagyo sa dakong ito ng probinsya, makailang beses nang dumaan sa rehabilitasyon ang tulay. Kaya nga nang naupo si Kong Rachel, ipinasya niyang replacement na ang solusyon.
Ang proyekto ay mula kay Kongresista Rachel at kalakhang tulong ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na umabot sa 77.5 milyon. At nang Ika-10 ng Hunyo, nagdaos ng payak na soft opening sa ibabaw ng tulay upang magamit na nga ng mga mamamayan hindi lamang mula sa magkabilang pampang, pati na sa magkabilang distrito.
Matiyagang naglakad sa ilalim ng matinding sikat ng alas-doseng araw, nang walang aying, si Kong Rachel kasama ni Mayor Ricardo Camacho ng Bayambang at Reverend Father Isidro Palinar upang basbasan ang nasabing tulay.
Ani Kong Rachel nang siya ay magbigay ng mensahe, “kanina, habang binabasbasan ni Father ang tulay, napahanga ako sa ganda at malinis na kaayusan ng tulay at ng magkabilang pampang ng Calvo Bridge. Wari ko ba, ako ay tumatawid sa tulay na matatagpuan sa ibayong bansa.” Makikita sa dalawang larawan ang ibig nyang sabihin.
(Itaas) Matapos ang pagbasbas ng Calvo Bridge, si Kong Rachel naman ang binigyan ng blessing, habang manghang nakatingin si Mayor Camacho. (Ibaba) Nakagawian na ng kongresista na matapos ang anumang ribbon- cutting ceremony, pabiro nyang ihahagis ang ribbon sa kanyang likuran na tila baga naghagis ng wedding bouquet. Tila baga sya ay feeling katatapos ikasal. Ngayon lamang sya nahuli ng kamera sa aktong ito.
Hindi lahat nagkasya sa loob ng pinagdausan ng seremonyas, ngunit masaya na ring nagsiksikan ang lahat, kabilang na ang Pangulo ng Senior Citizens Federation Leonido Catabay, MSWDO Lerma Padagas, Pangulo ng BHW Fely Guerero at Auditor Betty Jacinto, Pangulo ng Day Care Workers’ Association Marilyn Sison.
Natapos ang seremonyas, ngunit hindi pa tapos si Kong Rachel sa pag-aasikaso sa pangangailangan ng mga taga-distrito 3. Nakikipagtulakan pa rin sa akin sa loob ng sasakyan ang kanyang mga dapat personal na ihatid sa kani-kanilang magiging tahanan. Tatlo o apat na wheelchairs!
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments