ATTN: Dagupan officials and mga candidates

By February 18, 2019Punch Forum

Bakit po parang ayaw ng Dagupan City na maresolba ang MURDER ni Atty. Godofredo Manipud? Sa mga pangyayari, parang may coordination ang maraming tao at lokalidad.

Gusto ko pong ipaalam na marami pong naitulong ang mga MANIPUD sa Dagupan. Bago pa po pumunta ng Amerika ang pamilyang Manipud, tuwing pasko, nagbibigay po ang pamilya Manipud sa mga taga-Malta ng mga bigas, kape, tinapay, margarine, atbp.

Marami rin pong natulungan si Atty. Manipud sa kanyang pagnonotaryo. Hindi po siya garapal maningil at kung minsan, kung kulang ang pera ng nagpapanotaryo, tinatanggap at tinutulungan pa rin niya ang mga ito.

Dito po sa Amerika, si Milagros “Millie” Manipud Acasio, nakatatandang kapatid ni Atty. Manipud ang isa sa mga founding officers ng Dagupan City Club of San Diego. Very active din ang ibang miyembro ng Manipud family sa Dagupan City Club sa Northern California.

Kung pumupunta po ang mga opisyal ng Dagupan o representative nila dito sa Amerika at humihingi ng tulong sa Dagupan City Club, tumutulong po ang organisasyong ito. Marami po ang nagawa at naitulong ang Dagupan City Club dito sa Amerika para sa Dagupan City sa Pilipinas. Ang hiningi lang po ng mga miyembro ng Dagupan City Club dito sa Amerika ay ang kaligtasan ng mga pamilya nila sa Pilipinas.

Gano’n na lang po ba ‘yun na basta na lang PAPATAYIN ang isang taong nagbigay at nagsilbi sa Dagupan at WALANG GAGAWIN ang Dagupan para mabigyan ng HUSTISYA ang PAGPATAY sa kanya? Para saan po pala napunta yung mga naitulong ng mga Manipud at naitutulong ng Dagupan City Club sa Amerika kung saan ay active officers at members sila?

Si Atty. Manipud ay tinawag ni Mayor Belen Fernandez na “abogado ng masa” dahil sa pagtulong niya sa mga tao. Yung MGA gumawa nun sa kanya ay wala namang nagawa o naitulong sa Dagupan pero parang sila pa ang pinoprotektahan. Sumisigaw pa rin ng HUSTISYA ang pamilya ng Manipud. Sana kahit isang elected official o kandidato ay bigyan ng pansin ang issue na ito.

Gusto ba ng DAGUPAN na maging LEGACY nito ang MURDER COVER UP NI ATTY. GODOFREDO MANIPUD na isang “pang-masang abogado”?

Jasmin Manipud

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments