G Spot

“Pepe” de sarapen, de kutsilyo de “dede”sen

By Virginia Jasmin Pasalo

 

SA daloy ng “pagsisilbi” mo sa gobyerno, merong kanya-kanyang haka-haka kung bakit takot ang Pangulong ikaw ay kastiguhin. Malaking bagay ang naitulong mo sa pagkapanalo niya bilang Presidente. Pero hindi iyon ang katuwiran, dahil marami nang sinibak ang Pangulo na nakatulong din sa kanya. Mas malalim doon ang rason.

Isa doon ay nagagamit ka sa paglihis sa mga usaping ekonomiya at tunay na kalagayan ng bansa. Natatabunan ng iyong “pepe at dede” ang pagtaas ng bilihin, pagtaas ng buwis, pagbaba ng palitan ng dolyar sa peso, paglobo ng utang natin sa ibang bansa.

Natatakpan ng iyong “pepe at dede” ang tunay na estado ng mga usaping kritikal sa ating lipunan tulad ng walang hustisyang patayan sa kampanya laban sa droga, at ang unti-unting pagsira ng ating mga nakaugalian tulad ng pakikipagkapwa, magalang na pakikitungo, pagkalinga at pagkakaisa. Tuluyan ang pagwasak pailalim sa ating kamalayan, sa pamamagitan ng sinadya at malawakang paggamit ng propagandang tahasan at subliminal, na hindi halos namamalayan, dahil ito’y inihahain sa pamamagitan ng isang binting mapang-akit at humihingal ang mga mamamayan sa bawat mapanuksong pagtanggal ng saplot, ng mga mala-sutlang daliring tumatapik-tapik sa “pepe” at gumagapang pataas sa “dede”.

Ito ang iyong natatanging pamana. Ito ang hubad mong katotohanan.

 

Baleg a Bato (Pangasinan)

man-aalagar ka labat
na baleg a baton naitupak mo’d siak
diad pegley na buer,
ya nu itikyab na maksil a dagem
et nabulag tayon amin

 

Big Stone (English)

you are just waiting
for a big rock to stone me with
while you are surrounded with sand
which, when blown by the strong wind
will make us all blind

 

Dakkel nga Bato (Ilocano) 

agur-uray ka laeng
iti dakkel nga maibatom kaniak
iti tengnga ti darat
nga nu maitayab ti napigsa nga angin
ket mabulag tayo amin

 

Malaking Bato (Tagalog)

nag-aabang ka lang
ng malaking maibabato sa akin
sa gitna ng buhanging
sa paglipad ng malakas na hangin
ay ikakabulag natin

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments