Deretsahan

By June 3, 2013Archives, Opinion

Hold barangay and SK officials sa October

Bebot Villar

By Bebot Villar

 

TULOY election o hindi?

This is the uppermost question in everyone’s mind about the scheduled barangay and SK elections this October.

We are hearing the same opinion na very short pa raw yong term of office nila at masyadong nakapapagod yong another election after we just had our May 13 mid-term elections for national and local positions.

I agree na short nga ang three years para sa mga performing barangay officials. But what about mga NPA (non-performing asset) among them? Walang ginagawa, walang accomplishment, nagpapalaki lang ng tiyan at nagpaparami ng kurakot, and yet tuloy ang pagkubra ng kanilang salaries at pang—aabuso sa kanilang position.

No less than Pangulong Aquino already said na dapat ituloy yang barangay and SK election sa October as mandated by law, every three years on the last Monday of October. Pero baka naman uubra ang postponement so itong si Comelec chairman Sixto Brillantes proposed the postponement the October elections. According to him, mas maganda kung next year na lang or in early 2015 to give way to election protests in the midterm polls. (As expected, the Comelec experienced several headaches uli, from the machines to the candidates). Pero, hindi convinced si PNoy. Buti naman. Kung pagbibigyan ito, you can be sure ganun din ang sasabihin sa mga susunod na election to extend their terms of office.

Sabi nga ng Pangulo this is part of our mandate to hold the elections as directed by law. Kung mabibigyan daw si PNoy ng “one good reason” para i- postpone ang October election, then he might rethink his stand. But wala, kaya sorry sa mga umaasang extended rin ang term nila without having an election.

Pwedeng mag-propose ng election postponements ang Comelec at aayunan din ito ng Pangulo pero lahat ng ito magiging futile kung walang approval ang Congress.

*          *          *          *

I, for one, am disappointed sa performance of many barangay officials.

Pag panahon ng national and local elections, superb magtrabaho ang karamihan sa mga barangay officials “if the price is right.” Sila kasi ang logical conduit ng mga candidates sa kanilang vote-buying spree.

Kung sinuswerte ang isang local candidate, silang mga kapitan ang mga tulay para sa vote-buying in the barangay. Kung minamalas naman ay kukunin lang ang pera ng candidate, ibubulsa tapos sa buwan na lang itanong ng candidate kung anong nangyari at kawawa sa paghahanap ng kulang na boto niya na animo’y looking for a needle in a haystack.

Over the years, nag-iba na ang perception sa mga kapitan. They used to be highly respected, treated as little mayors in their own barangays. May malakas na boses, may paninindigan. Pero ngayon, sadly, sila (kasama ang mga kagawads nila minsan) ay ipinapatawag lang sa isang lugar, to line up to receive cash as “incentive” to push for the candidacy of a certain candidate, as seen especially in the last elections. Ang sama na ang nangyayari.

Do you remember kung anong ginawa ng kapitan nyo sa barangay niyo? Meron nga ba? Lucky you if there is any. Pag wala, dapat nang ibasura!

Sa problema na nga lang sa illegal drugs, sila dapat ang nasa frontline sa barangay nila. But look at what’s happening. Para silang mga three wise monkeys. See no evil, hear no evil, speak no evil. Walang ginagawa.

Naghahari na ang kasamaan sa lugar nila because they do nothing para labanan ito dahil may kapalit na pera mula sa katas ng droga. Worse, some known drug pusher pa sa barangay get elected dahil maluwag ito sa pera sa panahon ng kampanya. Kung hindi man sya, it’s the candidate supported by the drug syndicate. Nakakatakot!

Alam na alam ng mga kapitan sa barangay kung kaninong bahay at kung sino ang mga nakatira roon. It only goes to show na alam din nila kung ano ang activities ng mga ito, especially ang hanap-buhay nila. They know the answers to questions like: Meron ba silang kahina-hinalang pinagkakakitaan? Bakit kaya maluho kung gumastos ang isang tao na ‘yan? May nahukay kaya siyang kayamanan o nagtitinda ba ito ng shabu?

Buti nga at mag e-election na. Tapos na ang kalbaryo sa mga gaya nila. Pero babaha ba uli ng noodles, sardinas, bagoong, bigas, asukal, kape, bagoong at patis sa bote, tabo, planggana, o pera just to choose the right candidate? Lagi na lang bang ganun ang batayan sa pagpili sa election? Huwag naman na sana. Kawawa na ang mga poor but dedicated candidates dahil laging napapaboran ang mga moneyed individuals.

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments