LISTENING POST Series 1

THE PUNCH STAFF asked Pangasinenses randomly how they fared in 2020 in the face of the COVID-19 pandemic. Here are their responses in Pilipino.

Sharon, labandera: “Mahirap ang buhay. Kailangang kumayod araw-araw para mabuhay. Sa awa ng Diyos, nakaraos din kami kahit papano. Tungkol sa tulong ng siyudad, dumating din ang bigas at kunting delays at ang pinakahuli noong bago pasko.  Sabi ng nagdala “panangaro ni Mayor. Bakit  pinulitika pa? Mas mabuti pang sinabi ay “pangangaro na siyudad”.  At saka kung ang kulay mo ay berde, nganga ka sa ayuda. Pinipili nila Kasi ang binibigyan nila. yong galing sa DSWD, wala kami. Sana, mas magaan ang buhay sa bagong taon kahit nandito pa si Covid.”

Cris, tricycle driver: “Maganda ang kita ko bago mag-Covid. Pero ngayon, mabuting pang hindi muna ako pumasada dahil madalang ang pasahero. Biro mo sir, sa isang oras na paghihintay mo sa paradahan, isang pasahero lang ang sasakay sayo. Mabuti pang tumulong na lang ako sa construction ng kapatid ko.”

“Tungkol sa city government, sana magkaroon naman sila ng awa. mandalas kaming
pinag-iinitan ng POSO. kunti na nga ang kinikita namin, tapos tinititikitan kami sa kunting
violation. Sana, mawala na ang COVID sa taong ito para balik na sa normal ang buhay natin.”

Mang Jun, padyak driver: “Mahirap talaga ang buhay, Sir. Kailangang sigi—sigi pa rin ang kayod para may ibili ng pagkain. Noong mga unang lingo ng pandemic, tumigil kami talaga sa pagpapasada. Kaya noon umasa kami sa ayuda ng gobyerno. Subalit, matagal bago ito dumating sa amin. Kahit papano, nakaraos kami sa tulong ng aming kamag-anak.”

“Tungkol sa siyudad, sana tulungan kami na mga mahihirap. Sana, goodbye na ang COVID para bumalik tayo sa dating buhay.”

Michael, padyak driver: “Mahirap talaga, boss. Halos wala nang makain. Mabuti na lang may nagmagandang loob na kapit-buhay namin, Pinag-aalis ako ng damo sa paligid ng bahay nila at kung minsan inuutusang bumili sa talipapa. ang misis ko sir, pumapasok bilang katulong.
Sa city government, ano ang tulong na kailangang ibinigay.  Wala. Sana gagaann ang buhay ngayong taon.”

Lilia, housewife: “Kailan kaya matatapos ang pandemic? Matagal na akong nakakulong sa bahay. Sana, dalian nila ang pagbibili ng bakuna para mawala na si COVID. Marami pang mamamayan katulad ko ang nakakulong sa bahay dahil sa COVID. Sabagay, mabuti pang magmukmok na lang sa bahay kaysa magka-COVID.”

‘Sana hwag makapasok ang bagong strain ng COVID at kung hindi tiyak na mauulit ang ating lockdown. Siguradong back to square one na naman tayo at ang ating economya. Bakit tumataas na naman ang mga kaso ng COVID sa Dagupan? Pabaya kasi ang mga opisyal ng lungsod. Bakit ba magkaroon na naman ng baratillo? Doon magkaroon ng kumpol-kumpol ng mga tao. At sa Tondaligan, walang social distancing ang mga tao. Balita ko may inuman pa.”

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments