Abig Laman ed Barangay nagbigay serbisyo sa bayan ng Alcala

CAPITOL NEWS

BUMISITA ang Abig Laman ed Barangay – Mini Kalusugan Karaban sa pangunguna ni Gobernador Amado I. Espino III ngayong araw, Nobyembre 7 sa bayan ng Alcala.

Matapos bisitahin ni Gov. Espino sa parehong araw ang bayan ng San Nicolas para sa Abig Pangasinan Karaban ay agad niyang tinungo ang Abig Laman ed Barangay sa Brgy. Bersamin, Alcala.

ABIG LAMAN ED BARANGAY SA BAYAN NG ALCALA. Nanguna si Gob. Amado I. Espino III sa paghahatid ng tulong medikal sa mga residente ng Bayan ng Alcala noong ika-7 ng Nobyembre kung saan ginanap ang Abig Laman sa Barangay o ang mini Kalusugan Karaban ng Pamahalaang Panlalawigan. Sa ilalim ng Abig Laman ed Barangay program, nagbibigay ang lalawigan ng libreng konsultasyon, libreng gamot, medical at pedia services, skin diseases consultation, kasama na rin ang pagsasagawa ng libreng laboratory test, ECG, at X-ray services. /SMDG (Photos by Carlo Dela Cruz & Teddy Quimson)

“Dalawa lang ang hiling ko: pagtitiis at disiplina,” ani Gov. Espino ukol sa kinakaharap na pandemya. “Humihingi kami ng tulong sa inyo kung pwede bantayan niyo ang inyong pamilya.

Pagsabihan ang mga kabataan sa ating barangay,” dagdag ni Gov. Espino. Layon ng nasabing programa na makapaghatid ng libreng serbisyong medikal sa mga Pangasinense sa mga malalayong barangay ng iba’t-ibang bayan.

Hatid ng Mini-Kalusugan Karaban ang libreng konsultasyon, libreng gamot, medical at pedia services, skin diseases consultation, kasama na rin ang pagsasagawa ng libreng laboratory test, ecg, at x-ray services.

Nagpasalamat si Alcala Mayor Jojo Callejo sa tulong na hatid ng Prov’l Gov’t sa kanilang bayan sa kabila ng pandemya: Dito natin makikita ang serbisyo ni Governor na talagang totoo. Nagpamahagi rin ang Prov’l Gov’t ng limang gerry cans, hyposol, at insecticide kontra dengue sa mga barangay officials.

Kasama rin sa nasabing programa sina Alcala Vice Mayor Rodolfo Rosquita, Councilor Top Jigur Piregrino, Brgy. Captain Immanuel Salvador, ABC President Darius Bauzon, Federation of Barangay Health Worker President Alegria Almajano, Provincial Health Officer Anna De Guzman, at Municipal Health Officer Shirante Parayno. /Diane A. Tinambacan

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments