Sports Eye
Axe cycling coach
By Jesus A. Garcia Jr.
TWO weeks ago, one of our national cyclists came to me and handed me a duplicate copy of a petition letter signed by 12 out of the 17 nationals wanting to expel their head coach, Jommel Lorenzo, for many reasons. The letter was addressed to Mr. Alberto Lina, president of PhilCycling, the national governing body of cycling.
I waited for a week to receive some more information about the action taken by the PhilCycling board of directors and the latest I heard is the case is still under investigation.
Being a concerned Pangasinense, I am posting below the unedited letter dated January 8, 2008.
Mahal na Pangulong Lina,
Sa pamamagitan ng sulat-petisyon na ito, marapatin po sana ninyong ihayag at paratingin sa inyong kaalaman ang mga kinikimkim na hinaing naming mga National Team cyclists laban sa aming Head Coach na si Jommel Lorenzo.
Buo po ang paniniwala naming na si Head Coach Jommel Lorenzo ay walang tunay na kakayahan bilang Cycling Coach, kaduda-dudang integridad, di magandang character, di mapagkakatiwalaan at hindi karapat-dapat bilang Head Coach sa mga sumusunod na mga obserbasyon at pangyayari:
1. Paiba-iba ang itinuturong pamamaraan ng ensayo sa mga National Cyclists dahil sa walang sapat na sariling kaalaman at kakayahan sa larangan ng pamimisikleta bilang sport at ito ay malaki ang epekto sa performance naming mga cyclists;
2. Hindi marunong dumiskarte sa oras ng laban o karera at hindi binibigyan ng puwang ang mga mungkahi ng mga ibang Coaches at Trainers na laging kasama at nakakaalam ng tunay na abilidad at kakayahan ng mga cyclists;
3. Pabago-bagong schedule ng training ng mga cyclists dahil sa ibang trabahong pinagkaka-abalahan o iniintindi sa ATO Radar Station sa Tagaytay City;
4. Pagwa-walang bahala sa kapakanan at kaligtasan ng mga Track cyclists sa pinaiiral niyang sistema ng pag-eensayo pababa ng Tagaytay ng walang preno ang mga bisikleta;
5. Paboritismo o bata-bata system sa di-tamang pagta-talaga ng mga Cyclists o alternate sa mga particular na Cycling events na di binabasihan ang angking abilidad at kakayahan ng Cyclists;
6. Hindi magandang halimbawa sa mga cyclists sa pagpapakita ng di maitagong nerbiyos bago magsimula ang karerang lalahukan o lalabanan;
7. Pakikipag-sabwatan sa mga Supplier ng mga gamit o supplies sa pamamagitan ng pagmamanipula ng presyo, bilang o kalidad ng mga ito para lang sa pangsariling interes na maka-parte ang mga Coaches at Trainers sa nga gamit at supplies ng mga Cyclists at kadalasan ay sila pa ang nauunang namimili o kumukuha ng gamit o supplies at sa huli mamimili ang mga Cyclists sa mga pinagpilian na nila; Kadalasan din ay mali-mali ang specifications, sizes o brand at kalidad ng mga gamit o supplies na inu-order at tinatanggap dahil bihirang tanungin o kunsultahin at masunod ang mga Cyclists sa mga klase at kalidad ng mga kailangan na gamit at supplies gaya ng kailangang Ironhorse Mountain Bike na kung saan ang kinuha ay Giant Mountain Bike na pinatatakan o nilagyan lang ng Sticker na Ironhorse;
8. Walang transparency at accountability sa tunay na kinatutunguhan ng mga pinaso-soling mga gamit at supplies na naririnig naming ibinebenta or ipinamimigay niya sa mga kaibigan at mga taong malapit sa kanya;
9. Dalawang pamantayan o double standard sa pagpapatupad ng disiplina, isa para sa mga Cyclists na tinatakot niya ng suspension at bawas allowance o pagtitiwalag sa National Team at sa mga Coaches at Trainers na kanyang kino-konsinti;
10. Wala sa lugar at di-makatuwirang paghihigpit at pagbabawal sa paggamit ng Cellphone ng Cyclists habang nasa Quarters para makatawag sa kani-kanilang pamilya at mahal sa buhay;
11. Diskriminasyon sa pag-distribute o pagbibigay ng mga gamit, supplies at budget sa ibat-ibang discipline ng Cycling (MTB, Track at Road);
12. Hindi magandang pakikitungo at pakikipag-ugnayan sa mga Cyclists na nakakasakit ng damdamin, mapagmata sa pagkatao at di pagbigay ng tamang respeto sa mga Cyclists gaya ng paggamit ng malalaswa at masakit na salitang pantukoy gaya ng “Maniakis”, “Ang laking tao, utak ipis naman” at iba pa;
13. Di-nakaka-inspire at nakaka-demoralize na pamamalakad o pakikitungo sa mga Cyclists;
14. Malaki ang kinalaman sa pagtatago (TNT) sa Japan ng alternate Cyclist na si Edwin Paragoso na ipinalit ni Coach Lorenzo kay Jan Paul Morales noong Agosto, 2007 na napabalitang may kapalit na konsiderasyong pinansyal na ibinayad ni Edwin Paragoso at ang asawa nitong nasa Japan;
15. Wala sa lugar at mahigpit sa pagsosoli ng mga gamit at supplies sa mga National Cyclists gayong ang mga ito ay ipinagagamit at ipinahihiram lamang ni Coach Lorenz sa mga kaibigang Executive Cyclists at sa isang volunteer na kaibigan na nangangalang Danny Querido.
Bilang pagpapatibay sa lahat ng nakasaad sa petisyong ito, kaming mga nakalagdang National Cyclists sa ibaba nito ay nakahandang makipagharapan sa inyo at kay Head Coach Jommel Lorenzo anumang oras na inyong naisin sa mas ikalilinaw ng aming mga reklamo at hinaing.
Marahil magtataka kayo Sir na sa kabila ng lahat na kasalanan at kakulangan ni Head Coach Jommel Lorenzo, nakuha pa rin ng mga National Cyclists natin na makapag-uwi ng mga Medalya sa katatapos na SEA Games sa Thailand na inyong inyong personal na nasaksihan.
Sana po ay mabigyan ninyo ng seryosong pansin at panahon ang petisyon naming ito sa lalong madaling panahon sa ikagaganda ng ating mahal na Sport. At kung hindi ninyo mapapaniwalaan at mabigyan ng puwang ang mga reklamo at hinaing naming nakasaad sa petisyong ito na mapaalis at mapalitan si Head Coach Jommel Lorenzo, kami po ay handing magbitiw at mapalitan sa National Team anumang oras na naisin ninyo. Makabubuti po sa lahat na kumuha na lamang ang ating Federasyon ng magaling at mapagkakatiwalaang Coach sa ibang bansa.
The original signatories were Baby Marites S. Bitbit, Eusebio Z.Quinones, Carlo R. Jazul. Arnold R. Marcelo, Paul Manapol, Nilo P.Estayo, Alvin A. Benosa, Lito F. Atilano, March McQuinnF. Aleonar, Edwin E. Nito, Alfie P. Catalan and Warren Davadilla.
Those from Pangasinan are Bitbit from Malasiqui, Estayo from Pozorrubio, Catalan from San Manuel and Bonzo from Sual.
I have learned that three other national team members, Mark Julius Bonzo, Nino Surban and Frederick Feliciano, have also already signed the letter.
Victor Espiritu and Llyod Reynante have so far refused to sign.
(Readers may reach columnist at biking.jess@yahoo.com. For past columns, click http://sundaypunch.prepys.com/archives/category/opinion/sports-eye/
For reactions to this column, click “Send MESSAGES, OPINIONS, COMMENTS” on default page.)
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments