PANGARAP AY ABOT KAMAY!

UNLISERBISYO

SA pagtapos ng maraming graduate scholars itong taon, mas marami pa ang matutulungan ng Scholarship Program ani Mayor Belen Fernandez. Personal niyang nakapanayam ang mga bagong kabataan, kasama ang kanilang magulang, na matutulungan natin makapagtapos ng kolehiyo sa tulong ng scholarship program ng siyudad.

Ito po ay pinapakinabangan ng 5,000 na estudyante sa kolehiyo mula sa 31 barangays ng lungsod at layunin natin na madagdagan pa sa tulong nina Vice Mayor BK Kua at ating team Unliserbisyo councilors. Our very reason why we will always fight for the budget in education – makapagtapos kayo sa pag-aaral at mapabuti ang inyong buhay.

*          *          *          *

TULONG PARA SA MGA INDIGENT SENIOR CITIZENS

PINANGUNAHAN ni Mayor Belen ang pagpapa-abot sa 5,576 indigent senior citizens ng kanilang social pension para sa 1st quarter ng taon. Sa pangangasiwa ng local na pamahalaan, ipinagkaloob mula sa nasyonal na gobyerno ang 3,000 pesos quarterly SOCPEN sa mga kwalipikadong senior citizens mula sa 31 barangays ng lungsod.

Sa tulong ito ng Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) at ng City Social Welfare and Development Office para maayos na pagsasagawa ng payout. Payo ni Mayor Belen, alagaan ang kalusugan. “Narito tayo, bukas at inilapit ang serbisyo para sa inyo.” (Dagupan CIO Photos)

*          *          *          *

1,623 PATIENTS SERVED BY SEN. RISA HONTIVEROS’ FIELD HOSPITAL SERVICES

THROUGH Sen. Risa Hontiveros’ Medical Mission, nakapagbigay ang syudad ng Dagupan ng free medical services sa residents ng island barangays (Calmay, Carael, Pugaro, Salapingao and Lomboy) at residents ng barangays I, II & III, IV at Pantal.

Kasama dyan ang mga hospital services gaya ng Doctors Consultation & Primary Care Medicines, Medical Services (Blood Pressure, Oximeter, Pulse Rate, Respiratory Rate, Weight, Temperature), Blood Test and Laboratory Test (Fasting Blood Sugar, Uric Acid, Glucose, Cholesterol). “Ito ang pangatlong beses na binigay ni Senator Hontiveros, tayo ay nagapa-salamat ng taos puso sa pagmamahal niya para sa mga Dagupeño,” ani Mayor Belen Fernandez.

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments