
EXECUTIVE MEETING KASAMA MGA 31 BARANGAY CHIEFS
UNLISERBISYO
KASUNOD ng alarma sa nararanasang “wildfires” sa bahagi ng Amerika, agad na nagpatawag ng meeting si Mayor Belen Fernandez ukol sa “FIRE ALAM!” measures and awareness to prevent grass fire sa layuning maihanda at mapalakas ang ugnayan sa mga otoridad at barangay.
Kabilang dito ang CDRRMO, BFP, PNP, PARMC, Disciplina 21, Liga ng mga Barangay led by Kap Lino Fernandez, chief tanods, City Engineering Office, City Health Office, Waste Management Division, Sangguniang Panlungsod, DepEd SDO headed by SDS Rowena Banzon, Disaster preparedness council of DepEd, Boy Scouts and Girl Scouts of the Philippines – Dagupan Council.
Mahigpit na ibinibilin ang regular na grass cutting activities sa lahat ng barangay, mga paaralan, maging sa pribagong sektor. Kaugnay nito ay muling maglulunsad ang siyudad ng Simultaneous Grass Cutting Day and Clean-up Drive with food-for-work allocation.
* * * *
GAWAD BILANG ‘KATANGI-TANGING PINUNO’
TUMANGGAP ng ‘Gawad Bilang Katangi-tanging’ Pinuno’ si Mayor Belen Fernandez galling sa Department of Justice Parole and Probation Administration Region I bilang Outstanding City Mayor. Ito ay bilang pagkilala sa “exceptional services, outstanding performance and invaluable contribution in making the parole and probation (PPA) clients functionally literate and productive citizen with social conscience” ng mayor. Tinanggap niya ito noong, January 13.
* * * *
MARAMI MANG TRABAHO, MAGIGING MADALI ITO KAPAG TAYO’Y NAGTUTULUNGAN!
“NGAYONG 2025 ay panibagong oportunidad sa atin ng Panginoon upang ipagpatuloy at pagbutihin pa ang ating serbisyo sa lahat ng mamayang Dagupeños, ani ni Mayor Belen Fernandez. Kasama ang mga frontliners, department heads, city hall employees at barangay volunteers, sisiguruhin nating “WALANG MAIIWAN”.
Noong Jan. 13, Lunes, sa flag-raising ceremony ang Public Employment Service Office (PESO) sa pangunguna ni PESO Manager Joy Siapno na nagpahatid din ng magandang balita sa mga naghahanap ng trabaho mapa Work-from-Home, job recruitment activities, at monthly conduct of Jobs Fair tulad ng magaganap sa January 25, mula 9 A.M. onwards sa CSI Atruim, Lucao.
Maliban pa ito sa TUPAD, livelihood assistance, Government Internship Program at marami pang programa sa pakikipagtungan ng DOLE at iba pang national govt agencies. Marami rin pong trabaho ang ating mga frontliners kaugnay ng isasagawang PROJECT LINAW OPTICAL MISSION na ipapaabot sa 1,200 benepisyaryo.
Sa tulong ng mga volunteer workers ng 31 barangays, “susuyurin natin lahat ng tahahan upang matulungan ang mahihirap na makapagpa check-up ng kanilang mata.” Katulad ng matagumpay na programa ng alkalde sa free eye checkup at operation on cataract, pterygium, retinal problem glaucoma, and macular degeneration.
Unliserbisyo rin po tayong mag-home visit, dahil pag may malasakit sa bayan mabilis na aandar ang mga proyekto at programa ng gobyerno.
Nagpapasalamat din po tayo sa Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor BK Kua at Councilors Michael Fernandez, Dennis Canto, Jigs Seen, Lino Fernandez, at Bradley Benavides sa 60-day Unli- Progreso at mabilis nag pag trabaho sa mahigit 170 resulusyon at ordinansa.
Kabilang na rito ang pagpasa ng 2025 Annual Budget ng siyudad at Supplemental Budget na naipit mula sa 7 Majority councilors sa nakalipas na mahigit dalawang taon.
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments