PAGGUNITA SA IKA-161 ARAW NG KAPANGANAKAN NI GAT BONIFACIO

UNLISERBISYO

KAISA ang lokal na pamahalaan ng Dagupan, sa pangunguna ni  Mayor Belen Fernandez sa buong bansa sa pagdiriwang ng ika-161 na kaarawan ng pambansang bayani at ama ng Katipunan, Gat. Andres Bonifacio, noong November 30.

Ang paggunita sa araw ng kapanganakan ng dakilang rebolusyonaryo ay isinagawa sa pamamagitan ng pagaalay ng bulaklak sa monumento ni Bonifacio sa city plaza at dinaluhan nina Councilor Jeslito Jigs Seen, Knights of Columbus, Msgr. Antonio Padilla Assembly No.1582, Msgr. Henry  Schmitz Assembly No. 2995, officers at members ng Pangasinan Masonic Lodge No. 56, Alfonso Lee Sin Masonic Lodge No. 158, VW Gilbert Bencito, VW Rolly Reyes, Masonic District R1 Pangasinan, P/LtCol Brendon Palisoc at Dagupan PNP personnel, Dagupan City Fire Station, City Mayor’s Office and City Tourism Office. (Dagupan CIO Photos)

*          *          *          *

2024 WORLD AIDS DAY CELEBRATION: HIV COUNSELING & TREATMENT, LIBRE SA CHO!

“HUWAG matakot magpa-konsulta.”

Ito ang paghihimok ni Dr. Ophelia Rivera, City Health Officer ng Dagupan sa publiko sa pakiki-isa ang lungsod sa kampanya kontra HIV-AIDS kasabay ng 2024 World Aids Day Celebration. Libre ang mag-avail ng HIV diagnosis/testing, and treatment sa City Health Office (CHO). Pagbabahagi ni Rivera, may mga HIV Counselors ang CHO na humaharap sa mga candidates for testing. Makakatiyak rin ang bawat indibidwal na magiging confidential ang kanilang test.

Tuwing unang araw ng Disyembre ay ginugunita ang World AIDS Day, isang international day para sa pakikiisa sa laban kontra HIV/AIDS, iwaksi ang stigma tungkol dito, at lalong paigtingin ang suporta para sa lahat ng people living with HIV o PLHIV.

*          *          *          *

‘DECEMBER IS A SEASON OF HOPE, JOY & PEACE’

SAMA-SAMANG sinalubong ng Dagupan LGU ang buwan ng Disyembre 2024 sa unang Monday flag-raising ceremony ng lokal na pamahalaan noong December 2. Binigyang bungad ng mga empleyado ng gobyerno ang simula ng panahon ng kapaskuhan sa pamamagitan ng panalangin na pinangunahan ni Pastor Narciso Centeno Jr.

“This is the season of hope, joy, and peace”, pagbubungad ni Pastor Centeno. Sa pagdiriwang ng kapaskuhan at opisyal na pagbubukas ng kapistahan sa Dagupan, tulad ng inabangang Christmas Lighting Ceremony noong December 6.  Pagdating sa Anti-Violence Against Women and Children (VAWC) programs ng siyudad, “mapalad po tayo na isa sa binibigyan ng malaking priyoridad sa Dagupan ay ang mga kababaihan,” pahayag ni City Population and Gender and Development Officer Malen Bernadette Pilon. Ibinahagi rin ng City Population Office ang ginanap na Mass Wedding sa December 8 na lalahukan ng 70 couples. Host sa naturang flag-raising ceremony ang City Nutrition Office and City Veterinary Office at dinaluhan nina Councilor Jigs Seen, Liga ng mga Barangay President Councilor Marcelino at Fernandez, SK Federated President Bradley Benavides.(Dagupan CIO Photo)

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments