LGU-DAGUPAN, REGIONAL CHAMPION SA 2024 NAT’L LITERACY AWARDS
UNLISERBISYO
TINANGGAP ni Mayor Belen Fernandez ang award para sa Dagupan City bilang Regional Winner under the Independent Component City Category sa kanyang “Unaen Su Edukasyon” program mula sa 2024 National Literacy Awards (NLA), Department of Education at Literacy Coordinating Council (LCC) noong October 28 sa City Mayor’s Office. Bilang regional champion, isa ng national finalist sa Gawad Liyab Search for Outstanding Local Government Unit.
Kasama sa loob ng education program ay ang Scholarship Program, School Infrastructure Projects, Manlingkor ya Kalangweran (MYK) Youth Leadership Training Program, Libreng Paligo, Jr. Health Advocate, Pamilyang Rehistrado Kinabukasan ay Sigurado (Lehitimo Ako, Batang Dagupeño), Handa ka ba? Information Education Campaign on Disaster Preparedness at ibp.
Ang parangal ay nakamit sa tulong nina DepEd Region 1 under the leadership of Regional Director Tolentino Aquino, Education Program Supervisor Antonio Celeste at Johnson Sunga, Chief Education Program Supervisor Arlene Niro, DepEd Dagupan Schools Division Superintendent Dr. Rowena Banzon at Edwin Ferer, Public Schools District Supervisor /Division ALS Focal Person. Barangay Malued’s Barangay Captain Filipina ‘Pheng’ Delos Santos at Kagawad Rochelle Tamayo, pati ng mga Department Heads. (Dagupan CIO News)
* * * *
LIBRENG GAMOT PARA SA BARANGAY MAYOMBO
DALA ni Mayor Belen Fernandez ang libreng check-up, gamot, at food packs para sa 82 pamilyang apektado ng bagyong #KristinePH sa Barangay Mayombo.
Kasama niyang bumisita sa mga evacuees na nananatili ngayon sa East Central Integrated School ang Mayombo Barangay Council sa pamumuno ni Kap. Arsenio Curameng, CSWDO led by Irene Ferrer at City Health Office doctors led by Dra. Ophelia Rivera para sa libreng check-up and consultation sa kanila.
* * * *
EPEKTO NG BAGYONG #KRISTINEPH SA ISLAND BARANGAYS SINURI NI MAYOR BELEN
ANG mga residente ng island barangays ng Dagupan, partikular sa Salapingao at Pugaro ang binisita ni Mayor Belen Fernandez upang personal na suriin ang epekto ng bagyong #KristinePH. Kaugnay nito hinihingi ni Mayor Belen ang deklarasyon ng State Calamity upang mas mabilis na maiparating ng tulong sa mga apektado bunsod ng nanatiling lakas at epekto ng bagyo sa siyudad.
Nagpapatuloy naman ang paalala ng siyudad lalo na sa mga nakatira malapit sa dagat dahil sa nararanasang storm surge, gayun din sa mga low-lying areas dahil naman sa high tide. Kasama ng alkade sa pagi-ikot ang City Disaster Risk Reduction and Management Office sa panguna ni CDRRMO Chief Ronald de Guzman, barangay Council ng Pugaro sa pamumuno ni Kap. Nestor Victorio at Salapingao Barangay Council sa pamumuno ni Kap. Delfin de Guzman.
Binisita rin ng alkalde ang mga apektadong pamilya na pansamantalang sumisilong sa mga evacuation center sa barangay ng Calmay, Carael, Malued, Mamalingling, Mayombo, Poblacion Oeste, at Bonuan Binloc. (Dagupan CIO News)
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments