15,000 PIRASO NG HIGH-VALUE EELS (IGAT), PINAKAWALAN SA ILOG NG DAGUPAN
UNLISERBISYO
MAYROONG 15,000 high-value eels (baby igat o palos) ang pinakawalan sa bahagi ng Bayaoas River, Sitio Watak, Barangay Mamalingling sa pangunguna ni Mahyor Belen Fernandez kasama ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 1, City Agriculture Office sa pangunguna ni City Agriculturist Mary Ann Salomon, at Mamalingling Punong Barangay Calvin Cayabyab.
Bahagi ito ng BAlik Sigla sa Ilog at Lawa (BASIL) Program sa layuning muling maparami ang bilang ng mga indigenous fish species para sa biodiversity at aquatic ecosystems, mapa-sigla ang pangingisda, food sufficiency at kabuhayan ng mga mangingisda sa Dagupan.
Ayon kay Salomon, ang mga native eel ay matatagpuan din sa kailugan ng Ilocos Region kasama ang Sinocalan-Dagupan River systems. Pagbabahagi ng alkalde, ang mga ito ay ikinukonsiderang high-value species at export commodites sa mga bansang tulad ng China, Japan at Taiwan. (Dagupan CIO News)
* * * *
PAMAMAHAGI NG SOCIAL PENSION SA MGA 5,576 INDIGENT SENIOR CITIZENS
TULOY-TULOY pong ibinabahagi ng nasyonal na gobyerno, sa tulong ng ating lokal na pamahalaan, ang social pension para sa 5,576 indigent senior citizens ng siyudad.
Ang buwanang pension para sa mga mahihirap na senior citizens ay dagdag tulong mula sa gobyerno, alinsunod sa “Expanded Senior Citizens Act of 2010” upang matugunan ang kanilang mga pang-araw-araw na pangangailangan.
Kabuang P3,000 naman ang kanilang matatanggap para sa 3rd quarter ng taon 2024.
Sinisikap po natin na mas maipaabot pa ang programa sa mas maraming indigent senior citizens ng siyudad, sa pangangasiwa ng DSWD Region I and Central Pangasinan, City Social Welfare and Development Office, Office of the Senior Citizens Affairs at BASCA ng 31 barangays ng Dagupan.
* * * *
TUMUTOK ANG BUONG PWERSA NG ATING MGA BOMBERO
NAGING matagumpay ang pag-aapula ng sunog sa A.B. Fernandez Ave. na sumiklab noong Linggo, September 29.
Ayon kay Dagupan BFP C/Insp. Michael Escaño, sumiklab muli ang sunog, bandang 1:00 nang madaling araw, sanhi ng mga plastics na materyales na natupok ng apoy.
Kasama rin dito ang buong pwersa ng PANDA Volunteer Fire Brigade, Dagupan CDRRMO, POSO, WMD, DECORP, CSI Volunteer Fire Brigade at PNP Dagupan.
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments