SERBISYONG TAPAT PARA SA LAHAT HANDOG NI PBBM SA DAGUPAN
UNLISERBISYO
KABILANG rin sa #Unliserbisyo sa Bagong Pilipinas na ipinahatid nuong #birthday ng ating Presidente Bongbong Marcos ang distribution of hearing aids, wheelchairs, at laboratory equipment mula sa Department of Health (DOH).
Kasama ni Mayor Belen T. Fernandez si DOH Regional Director Paula Paz Sydiongco upang pangunahan ang turnover ng mga kagamitan, at sina Dr. Veronica de Guzman, DOH-CHD Pangasinan Team Leader; Dr. Amadeo Zarate, DMO IV; at mga City Health Office doctors. Ayon sa alkalde, lubos na makakatulong ang laboratory equipment para sa bagong bukas na Super Family Health Clinic (SFHC) sa Bolosan na nagsisilbing takbuhan ng mga taga eastern barangays para sa primary health care services. Muli ring ipinaabot ni Mayor Belen ang pasalamat kay PBBM sa tulong at pagmamahal mula sa gobyerno na mas ramdam ngayon ng mga Dagupeño!
* * * *
LIBRENG EYE CHECK UP
937 pasyenteng mula sa mga kabataan hanggang senior citizens ang nag-avail ng libreng eye checkup noong September 15, sa CSI Stadia.
“Actually, special request ito ng ating mga mahal nating senior citizens upang macheck-up ang kanilang mga mata. Libre rin po sa kanilang cataract operation, sa tulong ng Buddhist Tzu Chi Medical Foundation Philippines, Inc., at CSI Group of Companies”, ani Mayor Belen Fernandez na siyang punong abala sa pag-asikaso sa mga pasyente. “Ang programang ito’y resulta po ng ating medical mission at regular home visits sa mga 31 barangays ng siyudad”, dagdag ng alkalde.
* * * *
AKAPIN NATIN ANG MGA PWDs!
AKAP (Ayuda para sa Kapos Ang Kita Program) para sa mga Persons with Disabilities mula DSWD at sa tulong ni Congressman Toff de Venecia at former Cong. Manay Gina “G” de Venecia. Salamat po sa alagang patuloy nating nadarama mula sa gobyerno sa programa ni Pangulo Bongbong Marcos Jr., House Speaker Martin Romualdez, at DSWD Secretary Rex Gatchalian.
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments