PAGHAHANDA: NAKAALERTO PO TAYO 24/7!
UNLISERBISYO
AYON sa report, nagpapatuloy ang maulang panahon bunsod ng habagat na pinagiibayo ng Bagyong Yagi (#EntengPH) na nararanasan sa malaking bahagi ng Luzon. Bagamat wala pang bukas na spillway gates sa mga dam, posible pang tumaas ang level ng tubig sa Sinocalan River na maaring maka apekto sa Dagupan. Nakaalerto po 24/7 ng ating siyudad, CDRRMO led by Ronald de Guzman, PARMC, DILG, PNP, BFP, Coast Guard, POSO, CEO, CSWD, CAO, CNO, WMD at barangay councils, upang matiyak ang kaligtasan ng lahat, lalo na sa may parteng coastal areas, dahil sa posibleng pamumuo ng LPA at potensyal na bagyo na siyang mino-monitor ngayon ng PAGASA.
* * * *
FREE VITAMINS PARA SA MALUSOG AT MALAKAS NA DAGUPEÑO!
LIBRENG Poten-Cee Forte Vitamin C mula Pascual Laboratories ang ipinamamahagi ng City Health Office kasabay ng mga aktibidad ng siyudad tulad ng relief operations, financial assistance distribution, medical mission, at iba pang aktibidad sa mga barangay. Layunin ng aktibidad na ito na lalong mapalakas ang resistensya ng mga Dagupenos laban sa iba’t-ibang viral infection tulad ng ubo, sipon lalo na ngayong flu season. (Dagupan CIO Photos)
* * * *
PAGDADALA NG RELIEF SUPPLIES
SA kabila ng malakas na buhos ng ulan, patuloy naman si Mayor Belen Fernandez sa pagdadala ng relief supplies sa mga residenteng nakararanas pa rin ng baha sa mga low-lying areas.
Magkasunod na tinungo ng alkalde ang Barangay Pogo Grande at Malued para ipahatid ang mga DSWD relief supplies sa 500 apektadong residente ng mga naturang barangay sa pamumuno nina Kap. Arnold Galvan at Kap. Pheng delos Santos. Para protektado sa laban sa sakit, nagpamahagi rin ng Doxycycline, gamot kontra leptospirosis, at Poten-Cee Forte vitamins mula City Health Office at Pascual laboratories. Mas pinadali ang distribusyon sa tulong nina Vice Mayor BK Kua and minority councilors Michael Fernandez, Dennis Canto, Jigs Seen, buong CDRRMO Disaster Preparedness team sa pangunguna ni CDRRMO Head Ronald de Guzman, CSWDO, Barangay Council at Federation of Solo Parents in Dagupan. (Dagupan CIO Photos)
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments