DAGDAG SAHOD ALERT

UNLISERBISYO SA DAGUPAN

PAGKATAPOS ng office hours, dali-daling nagpunta ang mga Job Order Employees (JOEs) sa city plaza upang ipapirma ang renewal ng kanilang kontrata o “serbisyo” (mula July to December 2024) sa LGU-Dagupan, sa pamamagitan ni Mayor Belen Fernandez.

Sa pagkakataong ito’y ibinahagi ng alkalde ang pagtaas ng kanilang sahod mula ₱9,000 hanggang ₱12,000 ngayong taong 2024, na aabot na sa ₱14,000 sa taong 2025.

“Bukod sa hindi mapigilang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ang napapanahong salary increase ng ating mga minamahal na JOEs, ay pagkilala sa kanilang katapatan at galing sa pagserbisyo sa ating mga kabaleyan. Hangad ko na makatulong pa ito sa kani-kanilang pamilya”, ani Mayor Belen.  (Dagupan CIO News)

*          *          *          *

MAY MGA BAGO TAYONG PNP VEHICLES!

ITINURN-over ng siyudad sa pangunguna ni Mayor Belen Fernandez ang isang brand new patrol car at apat na bagong motorcycle para sa Dagupan City Police Station noong, July 16.

Ayon kay PLtCol Brendon Palisoc, hepe ng Dagupan City PNP, malaking tulong ito upang maabot ang bawat barangay sa mas pinaigting na pagbabantay sa peace and order. Matibay na sumusuporta sa mga programa ng Dagupan si Dr. Ashok Vasandani na kasama ring dumalo sa Blessing and Ceremonial Turn-over sa Dagupan City Police Station. (Dagupan CIO Photos)

*          *          *          *

PAGMAMAHAL SA MGA SENIOR CITZENS, DAMA SA UNLI-HEALTH-SERBISYO

DAMANG-dama ng mga senior citizens ang “Unli-health-serbisyo“, sa pamamagitan ng medical mission, na hatid nina Mayor Belen Fernandez, City Health Office, Office of the Senior Citizens Affairs sa mga 31 barangays ng siyudad.

Una sa pinuntahan noong Hulyo 15, ang Barangay Uno dala ang libreng serbisyo tulad ng check-up, laboratory test (FBS, cholesterol, uric acid, hemoglobin, urinalysis), libreng gamot, Pneumococcal vaccine, at dental services.  Hinihikayat din ang mga senior citizens na may karamdaman na magparehistro at makapagpakunsulta sa Osteoarthritis, Cataract, Diabetic Club, at High Blood (Hypertension Club).  Bukod dito, mayroon ding online registration para sa National Commission ng Senior Citizens (NCSC National Data), information dissemination sa kahalagahan ng pagpapabakuna / “Bakuna Champion”, social pension application, at issuance of senior citizen ID and booklet. (Dagupan CIO News)

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments