‘PH’s BEST BOWLERS’ CHAMPIONSHIP GINANAP, DITO SA DAGUPAN!
UNLISERBISYO
MAY mga 122 bowlers galing sa 24 iba’t-ibang teams sa bansa ang nagsama-sama para sa Philippine Bowling Federation-sanctioned 19th DATBI-CSI National Bowling Tour Invitational Open Championship na ginanap sa CSI The City Mall mula April 16-21.
Ang naturang bowling tournament ay regular na aktibidad sa taunang selebrasyon ng #Bangus Festival sa Dagupan sa pamumuno ni Mayor Belen T. Fernandez at inorganisa ng Dagupan Association of Tenpin Bowlers, Inc. sa pangunguna nina DATBI President Engr. Lina de Vera, Past President Marvin Santiago, Adviser Dr. Oscar Ramirez, Treas, Zedy Cruz, Tournament Director Mike Sim at Tourism Adviser Karlos Reyna. Abot sa P300,000 in total ang cash prizes at trophy ang naiuwi ng mga nagwagi.
* * * *
DAGUPAN CITY SWIMMING TEAM NANALO SA 2024 R1AA MEET
NAG-UWI ng 1 GOLD, 2 SILVER, 1 BRONZE ang Dagupan City Swimming Team sa katatapos lang na 2024 Ilocos Region Athletic Meet.
Umpisa na sa pagtala ng medal earnings ang Dagupan City Athletic Delegation sa unang araw pa lang ng kompetisyon sa Region 1 Athletic Association (R1AA) sa Laoag, Ilocos Norte.
* * * *
MOBILE LEGENDS ESPORTS GAMERS, NAGTAGISAN SA CSI LUCAO!
PANGMALAKASAN ang galawan ng mga gamers, maging sigawan ng mga nanonood, sa naganap na Mobile Legends Esports-Tournament sa CSI The City Mall Atrium Lucao, Dist., bahagi ng #Bangus Festival 2024.
Ang patimpalak ay dinaluhan ng iba’t-ibang koponan mula sa 31 barangay ng Dagupan na nagpakitang gilas gamit ang kanilang kakaibang diskarte at istratehiya sa paglalaro. Sa huli ay tinanghal na kampyon ang koponan ng HATE ZONE mula sa Bonuan Gueset, tinalo nila ang koponan ng REVO MAIN (1st runner-up) mula sa Barangay Pantal sa score na 2-0 upang masungkit ang kampeonato. Panalo ng ₱30,000 + Shakey’s GC ang itinanghal na kampeon at ₱25,000 + Shakey’s GC naman para sa 1st runner-up. Tinanghal naman na 2nd runner-up ang koponan ng DOS TRES mula sa Barangay II & III na panalo ng ₱20,000 + Shakey’s GC, 3rd runner-up ang koponan ng EXTREME GLADIATORS mula sa Barangay Pantal na nag uwi ng ₱15,000 + Shakey’s GC, at 4th runner up ang koponan ng EMELERS mula sa Barangay Mamalingling na may ₱10,000 + Shakey’s GC. (Dagupan CIO News)
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments