SUPER HEALTH CENTER SA BRGY. MALUED, SOON TO RISE!

By February 18, 2024Governance, Punch Gallery

UNLISERBISYO NI MAYOR BELEN

INIHAHANDA na nila Mayor Belen Fernandez, Kap. Ampen delos Santos at City Engineer Josephine Corpuz ang gagawing site development sa bahagi ng Sitio Fisheries kung saan ipapatayo ang Proposed Super Health Center.  Ang proyektong ito mula sa Department of Health (DOH) ay kaparehas ng Super Family Health Center (SFHC) na kasalukuyang tinatapos sa Barangay Bolosan para sa eastern barangays.  Target naman maserbisyuhan ng ipatatayong Super Health Center sa Malued maging ang karatig barangays ng Lasip Chico, Pogo Grande, at Lucao.

*          *          *          *


1ST PUBLIC SKATE PARK SA PANGASINAN, DITO PO YAN SA DAGUPAN!

GOOD news po ito para sa lahat ng mga kabataan dahil itatayo na po natin ang public skate park sa Tondaligan Ferdinand Beach.  Last week kasama ni former Coun. Carlos Reyna, my adventure sports & tourism adviser, ang mga presidente ng Pangasinan Skateboarding Community, na nagtungo sa aking opisina (w/ City Engr. Ampin) upang pag-usapan ang disenyo ng istrakturang naangkop sa kanilang sports.

I also think that this skate park will be an added attraction to our beach. Marami ring manood and will be amazed just like me. Let’s see! Maraming salamat sa inyong suporta, Melvin Delos Santos, Jai Hernandez, Jonathan Vasquez, (Dagupan City), Jep Caliboso (Urdaneta City), Ryan Aro (Sta. Barbara) at Romeo Nico Manaois. Maya-maya niyan eh may mga skaters na tayo sa Olympics!  Basta’t para sa mga kabataan, go ako diyan!

*          *          *          *

WELCOME BACK, JOLLIBEE JUNCTION!

(Set na ulit date dito, very soon!)

AKO’Y natutuwa sa good news na pasalubong ni Ms. Karen Bauzon mula sa Jollibee Head Office dahil naghahanda na raw sila sa renovation ng kanilang store sa junction, dating pwesto sa Arellano Street.  Renovation is necessary “to accommodate the sales growth”, she said.

City Engr. Josephine Corpuz, Arki Villamil and I always talked about improving our roads, building bigger drainages, floodgates and creeks to be safe from flooding, so that the private sector will also be able to improve their establishments or compliment our government’s projects.  Ms. Karen and I agreed that the elevation of road in Arellano is a long term solution to the perennial flooding in the city, most especially in our central business districts.

Maganda ang lokasyon ng Jollibee sa junction; it’s very ideal for customers, lalo na’t malapit ito sa mga estudyante. Ang lugar na ito’y isa sa mga top 5 (if not top 1) “opisyal na tagpuan” sa Dagupan City.

So, it’s confirmed, “NOT CLOSURE, BUT RENOVATION!”.

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments