Gob. Espino at Abig Pangasinan naghatid-serbisyo sa Anda

By October 25, 2020Governance, News

CAPITOL NEWS

DALA-DALA ang pinagsamang programa ng Pamahalaang Panlalawigan, ang Abig Pangasinan ay bumisita sa bayan ng Anda.

Pinangunahan ni Gobernador Amado I. Espino III ang paghahatid-serbisyo ng Abig Pangasinan sa mga Pangasinense na naninirahan sa Anda.

Dala ng Abig Pangasinan ang Kabuhayan Palengke Karaban, Karagdagang Pangkabuhayan (Cash for Work), Kalinisan Karaban at marami pang iba.

Lahat ng produkto ng mga small vendors ng bayan ng Anda, gaya ng gulay, kakanin, dried fish at iba pang uri ng seafood ay binili ng pamahalaang panlalawigan. Ang mga nabiling produkto ay dadalhin sa labing-apat na ospital ng probinsya para gawing siyang pagkain ng mga pasyente.

Nagkaroon ng karagdagang pangkabuhayan ang ilan sa residente ng Anda sa tulong ng cash-for-work kung saan sila ay nakatanggap ng P400 bawat isa.

Ang Kalinisan Karaban ay binili lahat ng tuyong plastik na basura naninipon ng mga residente sa halagang P20 pero kilo. Ito ay may kapalit na bigas, grocery items o celfon load na naaayon sa naipon nilang plastik na basura.

Bukod sa tatlong major programs ng Abig Pangasinan, nagbigay pa ng ilang tulong ang pamahalaang panlalawigan na nakapaloob sa iba’t-ibang programa ng Abig Pangasinan program.

Labing-pito na grupo ang tumanggap ng food production support mula sa pamahalaang panlalawigan. Anim sa mga ito ang nabigyan ng 1,430 fruit-bearing trees seedlings, tatlo ang tumanggap ng 30 trays ng vegetable seedlings samantalang apat naman ang tumanggap ng rechargeable knapsack sprayers.

Limang grupo rin mula sa Anda ang nabigyan ng tig-25 units ng gill nets.

Kasama ni Gob. Espino sa nasabing aktibidad si Board Member Margielou Orange Humilde-Verzosa at ilang department heads ng pamahalaang lalawigan, kabilang sina Provincial Agriculturist Dalisay Moya, General Services Officer Evan Gladish Domalanta, Provincial Population, Livelihood and Cooperative Development Officer Ellsworth Gonzales,  Asst. Provincial Veterinarian Jovito Tabarejos, at Provincial Information Officer Orpheus M. Velasco.

Saad ni Gob. Espino, “This is the worst time to be a politician, but the best time to be a public servant.”

Ngayong panahon ng pandemya, hinikayat ni Gob. Espino ang mga lokal na opisyales at ang bawat Pangasinense na magkaroon ng disiplina at sumunod sa mga health protocol para maiwasan ang pagkalat ng virus.

““Ti dawat ko, say kerew ko ed sikayo, agagik disiplina tan anos,” hiling ni Gob. Espino.

“Sikayo ti may sangkababaan ti kaso ti entiron probinsya,” giit ni Gob Espino na pinuri ang mga LGU-Anda sa pangunguna ni Mayor Joganie C. Rarang at mga barangay official para sa kanilang mga hakbang.

Nagbigay rin ng paalala si BM Humilde sa responsibilidad ng bawat Pangasinense upang mapuksa ang pagkalat ng virus.

“Sabi nga po nila, ang lahat po ng problema ay meron pong solusyon. Ito po ay nasa atin at ang kailangan lang po nating gawin, magtiwala, magkaisa at magsama-sama, higit po sa lahat ‘yung kooperasyon natin sa bawat ahensya lalong lalo na sa lahat ng mga namumuno dito sa ating probinsya,” dagdag ni BM Humilde.

Nagpasalamat si Mayor Rarang sa mga serbisyo at tulong na dala ng pamahalaang panlalawigan at ni Gob. Espino lalo na ngayon sa panahon ng pandemya.

“Sa lahat po ng inyong dinalang programa ng Abig Pangasinan na magbe-benefit po ang ating mga farmer at fisherman, nakikita po natin kung ano po ‘yung mga programa n gating mahal na gobernador na nararamdaman natin kahit ganitong may pandemya,” sabi ni Mayor Rarang.

Nakatanggap din ang LGU-Anda ng isang grasscutter bilang suporta sa pagpapanatili ng kalinisan sa kanilang bayan. /Shiella Mae C. De Guzman

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments