ABIG Pangasinan Karaban, umarangkada sa iba’t- ibang bayan

CAPITOL NEWS

DINALA ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan na pinamumunuan ni Gobernador Amado I. Espino III ang Abig Pangasinan Karaban – Kabuhayan Palengke Karaban, Karagdagang Pangkabuhayan (Cash for Work) at Kalinisan Karaban, sa tatlong bayan ngayong linggo – Bayan ng Labrador, Mangatarem, at San Jacinto.

Noong Agosto 8 ay magkasunod na isinagawa ang Abig Pangasinan sa Labrador at Mangatarem at nito lamang Agosto 12 ay ginanap din ito sa San Jacinto.

Ang Abig Pangasinan Program ay isang brainchild project ni Gobernador Espino upang matulungan ang mga Pangasinenseng apektado ng COVID-19 pandemic.

Ang Palengke Karaban ay naglalayong madagdagan ang kita ng mga magsasaka at mangingisda sa Pangasinan kung saan binibili ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga produkto ng mga small vendors at dinadala sa 14 na ospital upang ihain sa mga pasyente.

Ang Karagdagang Pangkabuhayan ay isang bahagi ng Abig Pangasinan na naglalayong magbigay ng financial assistance sa iba’t-ibang sektor ng komunidad sa pamamagitan ng mga community projects.

Ang Kalinisan Karaban naman na sinimulan noong 2019 ay naghihikayat sa mga Pangasinense na magkolekta ng kanilang plastic wastes tulad ng shampoo sachets, plastic bottles and caps, sando bags, plastic cups, spoon and fork, at candy wrappers na maaari nilang ipalit sa grocery items at school supplies.

Nagbigay din ang Pamahalaang Panlalawigan ng grass cutter sa Labrador at Mangatarem bilang logistical support sa Kalinisan Karaban na bahagi rin ng cleanliness and environment protection campaign.

   Nagpamahagi rin ng assorted seedlings, fishery paraphernalia, at sprayer sa San Jacinto at Mangatarem. /PJES and DAT

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments