Sino si Ate Belen?
Ayon kay Pangulong P-Noy, hindi siya masalita pero masipag.
Iyan ang sikreto ni Ate Belen kung kaya ang kanyang CSI ay itinuturing na isa sa top ten retailers sa buong bansa.
Ang husay nya sa pamamahala ay natutuhan nya sa kanyang amang si Jimmy Fernandez. Ito ang pagiging matapat sa customer at ang pagnenegosyong may puso na iniisip ang responsibilidad niya sa kanyang bayan.
Ito ang trademark ng CSI through the years, na makikita sa 34 day-care centers na kanyang sinusuportahan, mula pa noong wala siya sa politika, sa pamamagitan ng paggamit sa sariling pera at mahusay na relasyon sa mga multinatinal companies tinatangkilik ng CSI.
Ang pagne-negosyong may puso ay isang trademark, na dala pa rin nya hanggang ngayon, sa pamamagitan ng pagbibigay ng scholarships, at pagdo-donate ng mga laptop computerssa mga pampublikong paaralan.
Alam kasi ni Ate Belen, na ang edukasyon ang pinakasiguradong paraan para umunlad ang tao.
Natutunan nya ito nang sya ay agad napasabak sa trabaho nang maulila sa ama. Kung wala syang pinag-aralan, marahil ay hindi nya napa-aral ang kanyang mga kapatid at hindi sya naging ganito katagumpay.
At dahil matulungin at malinis mag-negosyo, pinagpala naman sya ng Panginoon, kaya ngayon, pinakamalaking retail chain sa buong northern Luzon ang CSI.
Nang pumasok naman sa politika, ang pagiging malinis at matapat na nakasanayan nya sa pamamahal ng CSI ang kanya pa ring baon.
Kay nagkaroon sya ng imahe bilang tagapag-tanggol ng kaban ng lungsod.
Marahil, kung hindi dahil sa kanya, baka Class CCC pa ang Dagupan ngayon, at ang mga binenta ng kasalukuyang Lim adminsgtration na pag-aari ng lungsod ay nawala na lamang at sukat, gaya ng P16 million na pinambili sa Awai lot sa San Jacinto para gawing sanitary landfill sana, pero hayun at nawala na lamang na parang bula.
Si Ate Belen ay isa ring visionary, dahil noon pa man, nakita na nya ang potential ng Dagupan, hindi lamang bilang business center of the north kundi isang convention capital of the north. Kung makapagtatayo nga naman ng bagong attraction dito, at malalaking hotels at maraming pasyalan, tiyak na mas uunlad ang Dagupan.
Sinimulan nya ang planong ito, sa pamamagitan ng pagtatayo ng Stadia. At susunod na rin sana ang pagtatayo ng isang world-class resort na magbibigay ng employment sa apat na libong tao, subalit dahil sa inggit ng kalabang Mayor ng Dagupan, hindi binigyan ng permit to construct.
Katunayan, maging ang Pangulong Aquino ay nagtaka sa maling desisyon ni Lim, na pigilan si Ate Belen sa pagtatayo ng isang magandang attraction sa Dagupan.
Si Manong Joe de Venecia naman ay buo ang suporta kay Ate Belen, dahil kaisa nya ito sa reinvention of Dagupan para maging sentro, hindi lamang ng edukasyon at komersyo kundi para maging Convention destination din.
Katunayan, ito ang dahilan kaya sinikap ni Manong Joe na maitayo ang De Vencia HI-way. Ito ay para magkaroon ng bagong district office ang Dagupan.
Pero dahil sa inggit ni Benjie Lim, wala syang lote doon at alam nyang si Ate Belen ang makikinabang, ipinatigil nya ang lahat nang development sa new De Venecia bridge and hi-way ay naging parang diversion road na lamang ng mga tricycle na papuntang Calasio.
Dahil sa inggit ni Benjie, nahinto ang progreso at nasayang ang potential ng De Venecia bridge and hi-way.
Ito ay isa lamang sa mga dahilan kung bakit gusto ni ate Belen na maging Mayor ng Dagupan
- para makalikha ng employment opportunity para sa mahihirap
- para mahinto ang pagnanakw sap era ng bayan, upang magamit ito sa mga programang pangkawanggawa.
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments