Ang love ni Rachel – District 3!

By July 2, 2009Governance, News

Aklat, tulay sa karunungan!

By Pauline

Kung ako ay nasa ibang bansa, at ipinakikilala bilang “the congresswoman from District 3 of Pangasinan”, pakiramdamdam ko ako ay hindi lamang representatanteng kumakatawan sa inyo.  Pakiramdam ko, kasama ko kayong lahat.

Ani  Kongresista Rachel “Baby” Arenas, at sabay nyang niyakap ng tingin at ngiti ang mga mag-aaral, guro, principals at matataas na opisyal ng Department of Education, Division of Pangasinan 1, Calasiao District 1 at 2. Ang kanyang pagkukwento ay  kanyang itinahi sa pahina ng kanyang mensahe sa Turn-over Ceremony ng kanyang mga donasyong aklat para sa kanyang proyektong Textbook Walk, isa lamang sa kanyang kasagutan sa kakulangan ng babasahin sa mga public schools.

Ang seremonyas ay naganap noong ika-siyam ng Hunyo ng taong ito, ang ikalawang araw ng aking pag-dokumento sa kanyang pagdalaw sa ilang bayang nasasakupan ng Distrito 3.

Rachel1

Rachel2

Karamihan sa mga aklat ay patungkol sa science at math (kaliwa).
Ang mga estudyante ng Calasiao Central School ay mangha
kay Kong Rachel at sa mga donasyong aklat tinatanggap nila.

Rachel3

Rachel4

Kasama ni Kong Rachel  (kaliwa) sina Mayor Roy Macanlalay ng Calasiao,
Division Superintendent Aurora Domingo, Asst. Division Superintendent
Sheila Marie Sison, District Supervisors Thelma Royeca at Cresencio Aficial ,
Councilor/Education Chairman Emmannuel Manipud, ABC President
Joseph Arman Bauzon, Brgy. Capt. Willie Sotto, CCS PTCA  President
Flora dela Fuente at Calasiao Central School Principal  Lydia Hizon.

Ayon kay Kong Rachel, halos isang bilyon na, o eksaktong 880 milyon mula sa kanyang pondo, mula sa kanyang pamilya, at mula sa tulong ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang kanya nang naipundar para sa infrastructure at iba pang development projects sa Ikatlong Distrito, at 330 milyon nito ay napunta sa ikagaganda ng kaayusan at ikabubuti ng Calasiao at ng kanyang mga mamamayan.

At ang mga programa at proyektong ito ay hindi itulak-kabigin ng pamumulitika. Paulit-ulit na nawika na ni Kong Rachel na ang politika ay panandalian lamang nguni’t ang pagkakaibigan ay magpahanggang-kailan paman.

Sana, sa huling taon na ito ng aking paglililingkod, ang inyong pakikipagkaibigan, ang inyong pagmamahal, ay buong puso na ninyong maibibigay, anya pang may pagka-pilyang dagdag na sambit.

Rachel5

Rachel6

Ilan sa mga principals, head teachers at guro: Principal Manuel
Cabatbat ng Buenlag Elementary School, Principal Pacita Caron
ng Macabito Elem. Sch., Principal Carmen Mendoza ng Longos ES,
Principal Josefina Palaganas ng Nalsian-Bacayao ES, Principal
Rose Basa ng San Miguel ES, Principal Carmencita Fernandez ng
Balani-Parongkong ES, Principal Lydia Buccat ng Doyong-Malabago
ES, Head Teacher Teresita Uson ng Idoldol ES, HT Gina Javier
ng Lumbang ES, HT Blesilda Alegria ng Doyong Centro ES, HT
Mercedes Arenas ng Mancup ES, HT Elena Velasco ng Ambonao ES.

Rachel7

Bilang pasasalamat, ang mga principals at
guro ay naghandog ng bulaklak (itaas)

Rachel8

Rachel9

at  awitin (kaliwa) kay Kong Rachel.. Pagkatapos nito,
siempre  (kanan) picture! picture! sabay display ng kanilang
inihandang banderitas na We love you, Rachel!

Back to Homepage


Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments