Deretsahan

By October 20, 2014Archives, Opinion

Who will watch the children?

BEBOT VILLAR

By Bebot Villar

 

WHO can forget the image of the 11-year-old pandesal vendor in Caloocan City who was seen trembling, crying and traumatized after a bully snatched his earnings from selling? Naging viral yan sa social media!

Galit at awa ang naramdaman ng mga napanood sa maikling video. Sino nga naman ang di magagalit? Gumigising ng maaga iyong bata para magbenta ng pandesal nang magkaroon siya ng baon at pamasahe sa kanyang pagpasok sa eskuwela. Pero sa isang iglap, may isang walang kaluluwang manunutok sa kanya ng kutsilyo at aagawin na lang iyong perang pinaghirapang niyang kitain.

Such an incident happens everywhere, not just in urban centers, like Metro Manila. In Pangasinan alone, there have been a number of incidents where motorcycle-riding robbers snatched the bags or mobile phones of unsuspecting students.

To our policemen and barangay tanod, kailangang mas pag-ibayuhin ang ating pagmamatyag sa ating mga lugar, lalo na sa mga oras ng pagpasok or school dismissal ng ang ating mga anak. Kailangan na nating magkaroon ng barangay security plan, kung wala pa kayo niyan.

Let’s not wait for more victims before we act.

*          *          *          *

Early last week, a young man in Balungao town held his parents and his adult siblings hostage while they gathered for the wake of his brother. It was an incident that can only happen in the movies.

Kuwento ni P/Sr. Inspector Virgilio Cruz, ang chief ng Balungao: while the family was keeping vigil sa kanilang bahay, at about 1 a.m., two daughters suddenly began screaming.

The family saw the suspect dragging the two girls at sinasabing nakulam ang dalawa kaya dapat daw niyang gamutin. Isinara niya ang mga bintana at pintuan ng bahay, kumuha ng itak at saka niya pinaluhod silang lahat para magdasal. At habang nagdadasal sila, tinataga niya ang dalawa.

When the police arrived, nakumbinsi nila ang suspect na i-release ang mga kaanak. Kritikal ang isa sa dalawang babae sa dami ng tagang tinamo sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Until now, I cannot believe that this happened. Hindi naman daw naka-drugs o lasing iyong lalaki, ayon sa hepe ng pulis doon. Ang una raw nilang nakita ay ang mga nanlilisik na mga mata nito na parang galit na galit habang nasa loob pa ng bahay. Pero paglabas naman daw ay matino naman na siyang kausap.

There must be something powerful that drove the man to hurt his own two sisters. At merong mga bagay sa mundo na hanggang ngayon ay sadyang mahirap ipaliwanag.  

*          *          *          *

Na-lift na rin finally noong October 13 ang suspension sa Pangasinan ng permit to carry firearms outside residence (PTCFOR). Halos tatlong buwan ding na-ban ang pagdadala ng baril sa labas ng tahanan. The PTCFOR was suspended following the assassination last June of Urbiztondo Mayor Ernesto Balolong.

Of course, kabilang tayo sa mga nag-ingay for the lifting of the suspension. Ang affected kasi ng order ay ang mga licensed at responsible gun owners at mga practical shooters.

Whatever data ang ipakita ng Pangasinan police, hindi nakatulong ang suspension ng PTCFOR sa pagpapababa ng shooting incidents sa lalawigan. It is because iyong ginagamit sa assassination ay hindi naman mga licensed. Ito’y mga loose firearms!

Nakapagtataka lang bakit marami pa rin ang mga unlicensed firearms sa lalawigan notwithstanding the police campaign. This led many to ask: hindi ba talaga makita ng mga police ang mga armas na ito o alam nila kung nasaan ang mga ito pero playing blind lang sila?

Marami still suspect na ang mga mahuhuling mga armas ay napapasakamay lang ng mga tiwaling pulis at di kalauna’y gagamitin sa kanila para patahimikin.

*          *          *          *

Gusto kong pasalamatan ang mga televiewers who watch our “Deretsahan” sa K-17 Kabaleyan Channel every Saturday ng umaga. Kami po ng aking partner na si dating Vice Gov. Gonzalo Duque ay labis na natutuwa sa mga feedback ninyo sa amin at sa patuloy na pagsuporta.

We already had our third episode last week at sinisikap po naming maiparating sa inyo ang mga maiinit at controversial issues from the newsmakers themselves.

Layunin po namin na sa pamamagitan ng aming mga panayam at opinion, ay madagdagan ang inyong kaalaman hinggil sa mga issue at usapin upang matulungan kayong bumuo ng matalinong desisyon.

Sana huwag kayong magsasawang manood at sumubaybay. Maraming salamat po!

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments