Deretsahan

By November 11, 2013Archives, Opinion

You get the government you deserve

Bebot Villar

By Bebot Villar

 

FEW weeks more at ang mga new set of elected barangay officials will already assume their posts.

Rest muna kayo habang may time pero sa December 1, dapat mag-focus na sa work. Dapat priority ang sinumpaang trabaho, huwag ninyong gawing parang pastime lang na kung kailan nyo lang gusto ay saka kayo mag- tratrabaho. You should already know what you got into pero don’t be in a rush din to act as kapitan or kagawad. Hayaan nyo munang tapusin ng mga outgoing officials ang kanilang term.

Why do I say this? Kasi may mga iba na akala nila, yong election nila noong Oct. 28 has already empowered them to perform their tasks.

No, not yet. Hayaan nyong ayusin muna ng mga outgoing leaders ang mga dapat na i-turnover na barangay properties and documents sa inyo.

Ang problema lang, iyong ibang re-electionists, hindi sport sa kanilang pagkatalo. Kasi may reports na there are some na pati streetlights ay inalis na nila after they lost. Pwede ba naman yun? Nakakahiya!

Same old story in the past. Would you believe pati mga water pumps ay pinagtatanggal ng mga defeated re-electionists? It’s a good thing wala pa namang barangay hall na giniba sa kabuwisitan ng natalong kapitan na nagpagawa.

May mga isolated cases in Pangasinan na nagkakaroon ng violence dahil they cannot get over sa kanilang pagkatalo at hindi maka-move on. It’s not the end of the world. Take that as a challenge.

Sa mga makantiyaw na supporters, cheer if you must for your winning bets but please avoid insulting the losers dahil ang isang taong natalo, malalim ang sugat niyan. Diyan nagsisimula ang mga violent incidents especially kung hindi matanggap ng isang talunan ang voters’ verdict. Sabi nga, don’t add insult to injury.

Also, siguradong by this time, may iba na in-hiding na dahil nag-uunahan na ang mga sumisingil sa kanilang utang ng pera na ginamit during the campaign.

Vote-buying kasi was rampant during the barangay election. In order to win kasi hindi lang paramihan ng kakilala at kamag-anak or even performance was enough to ensure victory. Kailangan magbigay, be it in cash or in kind. Ibang-iba na kasi ang panahon ngayon at ibang klase na rin ang mga voters.

Sa Dagupan nga, labis ako na nagtataka kung bakit, how come, sa isang well-known drug haven na barangay ay mukhang hindi pa rin natauhan ang mga botante sa lugar na ‘yan.

Didn’t they believe the reports or the news? Are they blind to their surrounding? Nagbibingi-bingihan kaya sila sa mga usap-usapan kung bakit dumami ang mga drug pushers sa lugar na yan? Don’t they believe kaya na trabaho dapat ng mga barangay officials nila na bantayang mabuti ang kanilang lugar against lawless elements gaya nitong mga drug pushers? Hindi kaya sila natakot na baka their children could be the next victims?

Or did vote-buying do the trick? Malaki kaya ang pera na ibinuhos ng mga drug lords sa barangay na yan? Ganito na ba talaga ka-laos ang mga botante na sa kaunting barya ay ipagpapalit nila ang katahimikan at kapakanan ng kanilang barangay?

Pero pwede rin ‘yong pinagsususpetsahang leader ng barangay na diumano’y protector nitong mga drug pushers, is, indeed innocent kaya siya pa rin ang ibinoto? In that case, let’s respect the people’s choice. Or simply, mahina ang kalaban?

Kung walang pagkaka-isa, everything will be meaningless. Maski pinagmamalasakitan na kayo pero kung ayaw nyo ng pagbabago, bahala kayo. Kung lahat ay ginawa na para sa ikabubuti ng inyong lugar pero you do not do your part, sayang lang ang pagod.

Life is a choice. Kung yan ang buhay na gusto n’yo, it’s up to you. Remember, ang pagsisisi ay laging nasa huli. I hope may peace of mind kayo.

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments