Deretsahan

By April 15, 2013Archives, Opinion

Only in the Philippines

Bebot Villar

By Bebot Villar

 

KABIT, baklas. Kabit, baklas.

Yan ang nagyayari ngayon sa mga campaign paraphernalia ng mga candidates. Ikakabit ngayon, tatanggalin naman next week ng Comelec at mga deputized agencies nila.

Parang mga batang naglalaro ng tagu-taguan at habulan. Pung, huli ka! Pero may nakasuhan na ba? May mga candidates na panay ang complain sa Comelec pointing to the opponent as number one violator daw. Naku, what about mga sumbungero’t sumbungera, hindi?

Hellooooo? Okay lang ba kayo? Paano naman kasi, puro pasaway ang mga candidates! Nakakita na ba kayo ng candidate na law-abiding citizen? Mukhang rare species at extinct na ang mga katulad nila.

Violations everywhere, di ba? Poster size pa lang, malaking sakit ng ulo na. Poster areas, puro violation din. Pamimigay ng t-shirt, payong, merienda at kung anu-ano pa, bawal. Kasi may limit ang gastos sa bawat botante. If I’m not mistaken, P3 to P5 lang per voter. Anong mabibili kaya nun? Chewing gum?

Pero sa totoo, kung lahat susundin, napaka-boring namang election ito. Nasanay ang mga Pinoy voters sa mga iba’t-ibang pakulo, antics, gimmicks ng mga candidates. Kaya bilang pampasaya and to make the 45-day campaign period interesting ang mga local candidates, very often puro bawal ang ginagawa para lang maka-attract ng attention at boto.

Saan ka naman nakakita ng campaign na walang hihingin ang voter sa candidate? Saan ka naman nakakita ng campaign na walang vote-selling? Siguro kung mangyari yan, feeling natin nasa ibang planet na tayo, di ba?

If everyone complies with all the Comelec orders, wala ng kulay ang labanan sa politics, di ba? Kaya nga only in the Philippines na may mga ganitong mga eksena tuwing halalan. Pero sige lang, sport lang, walang pikunan, walang sapakan, wala sanang patayan.

Lahat tayo gusto natin ng pagbabago pero dapat ang pagbabago ay magsimula sa sarili ng bawa’t botante. Sabi nila No to Vote Buying. Dapat No to Vote Buying and Selling! Di ba, if the candidate knows na may paninindigan kayo at hindi nyo ipinagbibili ang boto nyo, walang anumang katapat na halaga ng pera should change your decision!

Isa ba kayo sa mga may paninindigan? Kaya nyo bang gawin yan ngayong darating na halalan?

*          *          *          *

Look at what happened in Dasol, naging malaking balita tuloy. Unang araw pa lang ng campaign period nila ay hot na hot na. Kasing init ng panahon ngayon.

Itong si Mayor Noel Nacar inakusahang nanapak ng mga supporters ng kalaban nyang si Eric Verzosa. He vehemently denied the allegations. Siya raw ang biktima sa pangyayaring iyon.

Umabot sa court ang issue, nagkasuhan ang dalawang kampo kaya bahala na ang husgado na magdesisyon diyan! An attempt was made to settle the issue sa Comelec but it looks like matindi ang galit ng mga nag-aakusa na biktima raw.

Hindi rin naman kasi ordinary at lightweight ‘yong kalaban ni Mayor Nacar. Anak ba naman ng dating PNP chief, aba, talagang no-holds-barred ang bakbakan.

Si mayor ay incumbent president ng Pangasinan Mayors League. Of course, may pangalang iniingatan at dapat na ipaglaban. Ang kanyang challenger na bata pa ay hindi naman basta-basta. Ang parang lumalaban dyan ay mismong si retired PNP Chief Jesus Verzosa, the father, na family honor ang nakataya dyan at sanay itong si General Verzosa in any kind of battle. Ipaglalaban hanggang sa huling hininga, kumbaga.

I wonder paano na kaya ang kanilang pangangampanya onward sa homestretch? Sa umpisa parang kwitis lang ang dating ng mga pasabog na eksena, but towards the end, you can expect nuclear bomb na!

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments