Deretsahan

By April 9, 2012Archives, Opinion

Mga kaso vs. PD Boyet

By Bebot Villar

SAYANG!

Masyadong naging mabilis ang mga pangyayari the past days.

In an instant, biglang nawala sa landas natin si Senior Supt. Rosueto “Boyet” Ricaforte as police provincial director ng Pangasinan.

Akala ng marami, kasama na ako dun, ay after Holy Week pa ang katapusan ng maliligayang araw nito as PD ng Pangasinan.

Kaso nga lang, biglang nag circulate ang balita noong Lunes na mapapalitan na raw itong kamag-anak ni Lolong.

Tapos biglang nagkagulo na naman bandang 3pm Monday kasi ang supposed turn over of command ay biglang cancelled. Naunsyami ang pag-upo ng incoming director na si Senior Supt. Mariel Magaway na kasalukuyang naka assigned sa Directorate for Intelligence sa Camp Crame na papalit sana kay Boyet.

Kung ano man ang tunay na dahilan, yan ay isang malaking puzzle sa mga media at mga kaibigang matagal nang nag-aabang sa paglayas ni Boyet as PD.

Nakakainip kasi ang maghintay para mapalitan ang isang PD na pabaya sa trabaho, hindi nag rereport sa opisina subalit kadalasan ay nasa farm nya na naghihimas ng kanyang manok panabong at nagpapalaki ng katawan at nagpapataba lang ng bulsa.

But on the other hand, happy na rin ako kasi maski hindi naupong OIC si Magaway ay tuloy naman ang relief order ni Boyet noong Martes at pumalit pansamantala si Supt. Michael Nicolas, ang deputy provincial director for administration sa Pangasinan PNP hierarchy.

*      *      *      *

Sabagay, maski wala na sa serbisyo si Boyet ay I’m sure mamumuhay syang mariwasa at sagana sa dami ng naipon nito.

Yan ay kung hindi sya bubulagain ng mga kaso na kailangan nyang harapin at tiyak made-delay ang pagkuha nya ng clearances bago nya ma-enjoy ang kanyang retirement benefits.

Come to think of it. Kaya ba ng sweldo ng isang senior superintendent at PD ng Pangasinan upang tustusan ang kanyang bisyo sa pagsusugal? Ayon sa mga concerned citizens, matagal na syang minamanmanan sa kanyang alleged cockfighting at casino gambling vices. Ayon sa aking informant, madalas din daw yang si Boyet sa Oxford Hotel and Casino sa Pampanga.

Magkano kaya ang winawaldas nyang pera? Saan naman kaya galing ito? Sa tingin ko, pag hard-earned money, hindi yan basta nilulustay.

Pero, hindi pa naman siguro huli ang lahat para panagutin si Boyet sa mga” kasalanan nya sa bayan”.

Also, based on my reliable info, may nakaabang daw na kaso sa kanya sa Ombudsman at maging ang Office of the President ay may action din diumano sa mga sumbong na ipinarating sa kanila laban kay Boyet.

 *      *      *      *

And speaking of the Ombudsman, may ilang concerned citizens din na balak mag file ng kaso sa ilang mayors ng Pangasinan dahil sa pagbibigay nila ng permit sa kunwaring jai-alai operations sa kanilang bayan.

Authorized ba ang mga mayors na mag-issue ng business permit sa isang ilegal na pasugalan?

Granting for the sake of argument na kumita ang bayan nila sa pag-isyu ng mga mayors na ito ng permit sa jai-alai sa lugar nila, ang mas importanteng tanong ay magkano naman kaya ang kinita ng kaban ng bayan sa permit na yan at magkano naman ang napunta sa bulsa nila? Isang malaking kalokohan ito.

Ang pera talaga nakakasilaw, nakakabingi, nakakabulag, nakakamanhid ng pakiramdam. No wonder may mga kilala akong mayors na pikit mata silang nagbigay ng jai-alai betting permit kapalit ng color of money!

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments