Gov. Espino’s State of the Province Address

Ipagpatuloy ang Progreso at Pagmamahal sa Probinsya nating Pangasinan

GOVERNOR AMADO ‘’POGI” I. ESPINO, III

11 MAY 2017

Good morning. Magandang umaga po. Masanton kabuasan ed sikayon amin.

Maraming salamat po sa inyong pagdalo.  Sa umagang ito, titignan po natin ang katayuan ng ating mahal na lalawigan, pagkatapos ng labing-isang buwan, o halos isang taon, na tayo ay nanungkulan sa pamunuan ng Pangasinan.

Masaya po akong ipamalita sa inyo na nanatiling maganda ang estado ng ating lalawigan.

Nangunguna pa rin  sa Rehiyon Uno

 Ito ay makikita sa mga pagkilala ng ibat-ibang ahensya ng national government at ng Regional Development Council na ibinigay sa atin, mula noong July 2016 hanggang April 2017.

Tayo pa rin sa Pangasinan ang Regional Best Performer in Job Placement, Provincial Category; Regional Best Performer in the Implementation of DOLE Integrated Livelihood and Emergency Employment Program; Regional Champion in Project Monitoring, for the third consecutive year since 2014; at Regional Best National Statistics Month Program Implementer.

Ang ating Social Welfare and Development Office ay umangat na sa Silver Category bilang Fully Functional Local Social Welfare and Development Office nitong Pebrero 2017 na iginawad ng DSWD-Region I. Ang Coastal Resource Program implementing team ng Provincial Agriculture Office ay tumanggap ng PAGASA Award mula sa Civil Service Commission-Region I for Sustained Outstanding Performance in the implementation of programs for coastal resource management.

Kinilala din ng DOH-Region I ang ating Provincial Health Office bilang Best in Epidemiology and Surveillance, at sa Health Emergency and Management. Natanggap na rin natin ang Maturity Level II Category for Meritocracy and Excellence in Human Resource Management, mula sa Civil Service Commission-Region I.


Patuloy na Humahakot ng National Awards

 Sa national level naman, ang ating Provincial Rice Program Implementing Team ay tumanggap ng PAG-ASA Award -ang pinakamataas na parangal na iginagawad ng Civil Service Commission – for sustained outstanding performance in the implementation of programs for Rice Production;2016 National Quality Corn Achiever’s Award; Outstanding BSP Program Partner; National Passer 2016 Seal of Good Local Governance; Pearl Award – Best Tourism Practices; DOH Diamond Award for the Pozorrubio Community Hospital TB-DOTS Clinic; National Third Top Performing Provincial Library TECH4ED Center. Ang ating Provincial Social Welfare Office ay pasado na rin sa First Level Standards for Residential Social Welfare Programs and Services ng DSWD. Sa May 23, 2017 ay igagawad ng Department of Agriculture ang ating pang-apat na Agri Pinoy Rice Achiever’s Award.

Nakamit natin ang samu’t-saring mga parangal at nagtagumpay tayo sa iba’t-ibang larangan ng pag-papaunlad ng ating mahal na lalawigan, dahil sa naipagpapatuloy natin ang nasimulan at naitatag na mga magagandang programa at mataas na pamantayan ng pamamahala ng ating mahal na dating Gobernador at ngayo’y Kongresista ng ika-limang distrito, Kagalang-galang Amado T. Espino, Jr. Kaya’t nais natin siyang pasalamatan at bigyan ng lubos na pagkilala bilang bukod-tanging halimbawa ng isang leader na tunay na nagmamahal sa Pangasinan.

Tunay na marami na ang kumikilala at nagmamahal sa lalawigan ng Pangasinan, kung kaya’t ang ating Facebook page ay nananatiling may pinakamaraming “followers”– 331,378 as of April 24, 2017 – kumpara sa ibang LGUs sa bansa, at patuloy ang pagsuporta ng mga followers sa live streams ng ating mga official events.

Nananatiling masipag at masigasig ang ating mga kawani dahil kinikilala natin ang kanilang magandang performance, at binibigyang halaga natin ang kanilang mga kapakanan at sakripisyo. Ang ating probinsya lamang ang mayroong regular na Health and Wellness Program. Maliban pa dito, idinaraos ang taunang pagkilala sa mga outstanding employees at offices. Ibinibigay din natin ang standardized salaries sa ating mga empleyado. Sa bisa ng EO 080-2015, ibinigay natin ang 2nd tranche salary increase nito lamang Enero. 

Pinakamababang Unemployment Rate

 Mahalaga po sa atin ang employment at livelihood programs ng Pangasinan, sa paniniwalang dapat magkaroon ng sapat at marangal na hanapbuhay ang bawat pamilya at mamamayan dito sa ating mahal na lalawigan.

Sa buong taong 2016, naitala ang pinakamababang unemployment rate na 5.4% sa ating lalawigan, mula sa figure na 8.2% noong 2015.

Ito ay dahil sa ating aggressive Provincial Job Placement Assistance Program na kung saan ay 2,009 ang nabigyan ng trabaho dito sa Pilipinas at sa ibang bansa, mula noong July 2016 hanggang April 2017. Nitong Mayo 1 sa pagdiriwang ng Pista’y Dayat at Labor Day, nabigyan ng on-the-spot hiring ang 204 nating mga kababayan.

Mas lalong lalakas pa ito sa pamamagitan ng ating Mobile Skills Training Projectat Mini-Job Fairs, na gagawin mismo sa ating mga kabayanan. Upang magawa natin ito, magkakaroon tayo ng Customized Training Truck at Training Bus.Mag-uumpisa tayo sa tatlong TechVoc training modules: carpentry, electrical works, at AC/DC modular system at ilang soft-skills modules tulad ng values enhancement, entrepreneurship, basic computer operation at iba pa. Ang ating training truck at training bus ay mag-iikot sa buong lalawigan kasama ang ating mga mobile training teams.

Sa darating na buwan ng Hunyo, ilulunsad na rin natin ang Bigasang Bayani Livelihood Project, upang magkaroon ng dagdag hanap-buhay ang ating OFW families sa pagtitinda ng bigas. Katuwang natin dito ang Department of Labor and Employment na magbibigay ng 80% counterpart sa total project cost na P888,219.00, at 20% naman ang itatapat natin dito.

Malapit na rin nating mailunsad ang isang Online Jobs Portal, na katuwang ang isang pribadong kumpanya, upang maging mas malawak at mabilis ang paghanap ng trabaho ng ating mga kababayan, lalo na ang mga fresh graduates, at iba pang naghahanap ng trabaho.12

Mula July 2016 hanggang March 2017, nakapagbigay po tayo ng P11.8 milyong pisong livelihood loans sa 77 cooperatives at iba pang mga samahan ng mga kababaihan at magsasaka sa kanayunan, at 10 micro-entrepreneurs, sakop ang kabuhayan ng 2,785 na mga kababayan natin na may negosyong commodity trading, crop production, goat raising, at paggawa ng ibat-ibang produktong Pangasinan.

Masusundan pa ito ng dalawang batches ng loan releases na may kabuuang halaga na P6 million para sa 44 beneficiary groups mula sa ibat-ibang barangay ng Pangasinan.

Nitong Marso lamang ay nabuo natin ang Pangasinan Federation of Livelihood Organizations sa pangunguna ng Provincial Population Office, ang sangay ng pamahalaang panlalawigan na taga-pamahala ng ating Provincial Livelihood Assistance Program. At sa tulong at pakikiisa ng mga kasapi ng programa, lalo pa nating mapapalakas at mapa-igting ang entrepreneurship at pagnenegosyo sa mga barangay, at makabuo ng mga community social enterprises na siyang magiging katuwang sa pagsulong ng agro-industrial enterprise development ng ating mahal na lalawigan.

Sinimulan na rin natin ang programang pangkabuhayan para sa mga small fisherfolks mula sa ibat-ibang bayan ng Pangasinan. Ito ay tugon natin upang mapanatili ang kalinisan at yaman ng ating mga kailugan na siyang isa sa mga pangunahing pinanggagalingan ng kabuhayan ng ating mga kababayan.

 

Pagkakaroon ng Disenteng Pabahay

 Bukod sa marangal na hanap-buhay, mahalaga rin sa atin ang pagkakaroon ng disenteng bahay ang bawat pamilyang Pangasinense.

Sa tulong ng National Housing Authority, nabigyan natin ng P45.8 milyong halaga ng yero ang 8,052 na pamilyang nasalanta ng Bagyong Lando, upang maisa-ayos ang nasirang bubong ng kanilang mga bahay.

Sabay nating ginagawa ang dalawang housing projects: Phase II ng Villa Maniboc Socialized Housing Project para sa 129 prospect beneficiaries; at ang 5.8 hectare Estuario Grande Housing Project sa Pangapisan Norte, Lingayen, para sa 250 na empleyado ng gobyerno. Ang dalawang proyektong ito ay may kabuuang halagang P150.4 million.

Tapos na rin ang P3.4million back-filling works ng 2.4 hectares na Aplaya West Resettlement Project sa Pangapisan Norte, Lingayen. Isusunod dito ang P12.8 million land development works, at ang pagpapatayo ng 317 socialized housing units, worth P49.4 million, para sa mga pamilyang nakatira sa public lands, at sa mga delikadong lugar kagaya ng mga gilid ng ilog at dagat.

Malusog at Malakas na Pangangatawan

 Ang sabi nila, kung malusog ang katawan at pag-iisip ng mga mamamayan, malusog din, maginhawa, at mapayapa ang ating mga kanayunan.

Kaya naman po tuloy-tuloy at walang humpay ang ginagawa nating organizational and diagnostic capability improvements, at physical and structural upgrading works sa ating 14 provincial hospitals, lalo na at nakita na ng DOH ang namumukod-tangi nating pagpapatakbo sa ating mga ospital.

Bukod sa abot-kaya, pumantay na sa mga pribadong ospital, at humigit pa sa iba, ang kalidad ng serbisyo sa ating mga ospital.  Kaya naman tayo na ang pangunahing pinupuntahan at pinagkakatiwalaan ng mas dumaraming pasyente, kasama na ang mga may kaya sa buhay.

Sa buong taong 2016, mayroong naitalang 405,115 out-patients ang nabigyan ng sapat na serbisyo. Pumapatak ito sa 33,760 napasyente bawat buwan, o 1,125 na pasyente kada araw.

Mas marami ang in-patients, kung saan ay tumanggap tayo ng 484,066 na pasyente sa loob ng sampung buwan, mula noong July 2016 hanggang April 2017.  Samakatuwid, nagkaroon tayo ng 48,407 na pasyente kada buwan, o 1,615 na pasyente sa bawat araw.

Ang combined bed occupancy rate natin ay 235% noong 2016. Ang ibig sabihin, higit pa sa doble ang pumupunta, at kulang na ang ating kasalukuyang DOH-approved bed capacity na 655 beds. Kaya’t tayo ay humihingi ng pahintulot sa DOH upang taasan ang ating capacity sa 1,500 beds.

Upang mas matugunan ang pangangailangan pangkalusugan ng ating mga kababayan, pinalawig natin ang Point of Care Program kasama ang PhilHealth. Mula sa P60 million na inilaang budget noong 2016, naglaan tayo ng P75 million ngayong taon.

Kasalukuyang inaayos din ng ating Provincial Management Information Systems Office ang online system para mapabilis ang proseso ng PhilHealth claims sa ating mga ospital. 

Lalong Gumaganda ang Serbisyo sa Ospital

 Bilang pagkilala sa ating naipakitang magandang serbisyo sa ating mga ospital, magbibigay sa atin ang DOH, sa ilalim ng kanyang Health Facilities Enhancement Program ng P91million worth of hospital equipment, kasama ang X-ray machines, orthopaedic instruments, radiographic devices, electrocautery machine, anesthesia machine with ventilator, dental panoramic device, operating room  table, maternal delivery table, at iba pa.

Noong 2016 nakapagbigay ng kabuuang P141million ang DOH para sa inprastraktura. At sa taong ito, P67.8 million na ang nai-secure nating assistance mula sa DOH na gagamitin sa pagpapatayo ng additional wards, laboratory and supply rooms, sewerage and waste water treatment facilities, at iba pa, sa 14 hospitals ng Pangasinan. Maliban dito, pinagkalooban pa tayo ng DOHng dalawang Mobile Dental Clinics.

Ang Philippine Charity Sweepstakes Office ay nag-donate naman sa atin ng 3 brand-new Foton ambulances noong nakaraang Oktubre, para sa Umingan Community Hospital, Mapandan Community Hospital, at Eastern Pangasinan District Hospital.

Bukod sa araw-araw na round-the-clock service sa ating 14 provincial hospitals, noong August 2016, inilunsad natin ang ating Kalusugan Karavan na siyang tugon sa pangangailangang pangkalusugan ng ating mga kababayan lalo na sa mga nakatira sa malalayong barangay.

Sa kasalukuyan, ang ating kalusugan caravan ay mayroon nang na serbisyuhang 233 barangays at napagsilbihang 26,204 nating mga kababayan; 25,688 mga batang nabigyan ng supplemental feeding, tsinelas at school supplies; 2,421 na mga asong nabakunahan laban sa rabies; 5,339 nabigyan ng dental services; 4,456 senior citizens ang nabigyan ng serbisyong medikal at ibang pangangailangan. Ang lahat ng ito ay pinagkaloob po natin ng libre.

Maliban sa pagpapalakas ng ating serbisyong pangkalusugan, tayo kasama ang DOH ay nakapamahagi ng 516 wheelchairs para sa mga kababayan nating PWDs mula Hulyo 2016 hanggang Abril 2017. Nakapagbigay din tayo ng tulong pinansyal naumaabot sa halagang P2.8 million para sa 814 na mga kababayan nating nangangailangan mula Nobyembre 2016 hanggang sa kasalukuyan.

Pakiki-isa Kontra Droga

 Masaya din po kaming ipamalita sa lahat, na ginagawa na sa kasalukuyan ang Provincial Drug Rehabilitaion Center sa 2-hectare lot sa San Vicente, Burgos na donasyon ng pamilya ng yumaong Mayor ng Burgos, Ginoong Demetrio Cabiles. Ang paunang construction works, na kasama ang kusina at mess hall, bath house, concrete pavement, at perimeter fence ay nagkakahalaga ng P8 million. Kapag mabiyayaan tayo ng magandang panahon, inaasahan nating pormal na magbubukas ang ating Rehab Center ngayong darating na Hulyo.

Tayo din ang kauna-unahang provincial government sa buong Pilipinas na nagsagawa ng mandatory random drug testing para sa lahat ng mga empleyado. Sa ngayon, 3,088 na empleyado (87%) na ang sumailalim sa nasabing random drug testing. Ito ay isinagawa batay sa Provincial Ordinance No. 200 s. 2016 na isinabatas ng Sangguniang Panlalawigan.

Nakipagtulungan din tayo sa PDEA sa pagdaos ng Region I Anti-Illegal Drugs Summit sa Sison Auditorium noong August 2016.

Ang mga ito ay pagpapatunay ng ating pakiki-isa sa pambansang pamunuan sa layuning matigil ang paggamit ng ilegal na droga sa Pangasinan at sa buong bansa. Sa katunayan, pinarangalan din tayo ng PNP Region I dahil sa ating pag-suporta sa PNP Project Double Barrel.

Pinalawak na Sports Development Program

 Upang patibayin pa ang ating human resource development efforts, binigyan natin ng panibagong diin ang ating provincial sports development at scholarship programs.

Kamakailan lang ay binuo po natin ang Pangasinan Sports Development and Management Council upang magplano at mamahala sa ating sports development program, kasama na dyan ang pagpapatakbo ng Pangasinan Sports Academy, na inumpisahan ng ating dating gobernador, at ngayon kasalukuyang 5th District congressman, ang ating minamahal na Amado T. Espino, Jr.

Dito puspusang magsasanay ang mga magagaling na elementary at high school athletes, lalo na yung mga gold medalists sa regional at pambansang palaro, sa larangan ng athletics, basketball, swimming, chess, at iba pang disiplinang pampalakasan.

Sa ngayon ay maganda na rin ang katayuan ng Pangasinan sa iba’t-ibang national games. Nasa top ten tayo sa Batang Pinoy, at top four naman sa Philippine National Games 2016. Kaya naman hindi nakapagtataka ang ating pamamayagpag pagdating sa Region I Athletic Association kung saan Overall Champion na naman tayo ngayong taon. Humakot ng 157 medalya ang ating mga atletang Pangasinense. Upang lalo pang mapalakas at mapa-igting ang programang pampalakasan lalung-lalo na sa ating mga atletang mag-aaral, nagbigay ang Provincial Government ng P14 milyong tulong pinansyal sa Department of Education Schools Division I at II ng Pangasinan bilang karagdagang pondo para sa kanilang Sports Development Program . Sana ay mas mataas pa, at tuloy-tuloy na aangat ang ating katayuan sa larangan ng sports.

Karamihan ng ating mga kababayang PWD na nakilahok ay nagwagi sa 2016 Philippine Sports for the Differently-abled National Paralympic Games. Humakot sila ng 27 medalya- 9 gold, 10 silver, at 8 bronze. Isang Pangasinense na nagwagi ay kabilang sa National Team na makikilahok para sa International Competition na gaganapin sa China.

Itutuloy natin ang ating annual Pangasinan Chess Festival at training camp. Dito nahasa si Haridas Pascua ng Mangatarem, na malapit nang maging Grandmaster.

Naging maganda at kaaya-aya ang resulta ng mga inilunsad nating bagong sports activities: ang First Governor’s Cup Inter-Town/City Basketball Tournament, kung saan umiral ang galing ng Team Manaoag na naging First Runner Up, at ang Team Binmaley na syang nag-uwi ng Championship Trophy; at ang First Pangasinan Inter-LGU Unity Games for City/Municipal Officials and Employees, na ginaganap sa kasalukuyan. Bukod sa basketball for men, kasama rin dito ang volleyball for women.  Malapit na ring ilunsad ang Inter-Agency Basketball tournament for men, kasama ang iba’t-ibang sangay ng national government, na narito sa Pangasinan.

Bukod sa aspetong pang physical fitness, dito sa mga palarong inter-LGU na ito nagkaka-kilala ang mga tao, kawani, at opisyal ng iba’t-ibang bayan at siyudad. At sa kabila ng intense but friendly competitions, ay nagkakaroon ng mas malalim na ugnayan, at dito nag-uugat ang matibay na damdamin ng pagkakaisa bilang isang probinsya. 

Pinalawig ang Provincial Scholarship Program

 At siyempre, huwag nating kalimutan ang ating Provincial Scholarship Program, na mas pinalaki at pinalakas sa pamamagitan ng Provincial Ordinance No. 205. s2017, na ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan, sakop ang limang scholarship categories na sumusunod: Academic, NCIP, Muslims, PSU, at TechVoc scholars.

Sa loob ng sampung buwan mula June 30, 2016 noong tayo ay umupo sa puwestong ito, mayroon po tayong 2,366 na provincial scholars.

At tinaasan po natin ang cash incentives para sa mga outstanding graduates; mula P3000 naging P5000 na ngayong April 2017. 

Patuloy na Pagtaas ng Produktong Agrikultural

 Sa dakong agrikultura, nanatiling mataas, at nadagdagan pa, ang ating produksyon at ani ng palay, mais, talong, mangga, at iba pang agricultural crops, pati na rin ang isda.

Tama ang ginagawa ng ating Provincial Agriculture Officena mag-organize ng mga farmers’ groups upang umaning certified seeds, at sa kalaunan ay magiging stable ang supply, hanggang sa maging self-sufficient na tayo sa ating certified seeds requirements. Kung ganun ay mas tataas pa ang kalidad ng mga pananim at anisa Pangasinan.

Ganun din ang patuloy na paggawa at sustained maintenance ng mga irrigation support facilities at services. Mula noong July 2016 hanggang April 2017, nakapag-kumpuni na tayo ng 32 communal irrigation systems, nakapagtatag ng 400 shallow tube wells at 600 irrigation pumps, na kayang patubigan ang 26,384 ektaryang sakahan sa ating lalawigan.

Bilang suporta sa farm mechanization, nakapagbigay na tayo ng lima na four-wheel tractor sa limang farmers’ organizations sa ilalim ng Philippine Rural Development Program ng Department of Agriculture. Labing-pito pang four-wheel tractors ang ipapamahagi sa mga iba pang farmers’ groups sa ating lalawigan.

Siyempre, maganda rin na makita ng mga magsasaka ang mga sari-saring produkto, teknolohiya, at best practices sa ibang lugar ng Pangasinan, kagaya ng mga ipinakita sa First Pangasinan Umaani Expo na ginawa sa Provincial Nursery sa Sta Barbara noong nakaraang Marso.

Sa kasalukuyan, nananatiling tayo pa rin ang food basket ng Region I.  Sa atin nanggagaling ang 62% ng palay na inaani sa rehiyon, 65% ng mais, 82% ng talong, 78% ng mangga, at 86% ng isda.

Sa buong bansa, tayo ang number one producer ng talong, manga, at bangus; pang-apat sa tilapia; pangatlo sa palay; at umangat sa pang-anim, mula ika-pito, sa mais. 

Pag-angat sa Agro-Industrial Enterprise

 Ngunit kahit mataas na ang ating katayuan dito, maaari pa tayong umangat, lalo na kung talagang pagsisikapan nating makalampas sa traditional agriculture, at umakyat na tayo sa agro-industrial enterprise development.

Dapat na tayong magkaroon ng mga processing plants at agro-industrial facilities dito sa Pangasinan. Mas madaragdagan ang halaga ng ating mga produkto, at mas lalaki pa ang kita ng ating magsasaka, kung ang produktong ani sa Pangasinan ay dito na rin ginagawang processed goods, at lalabas na lang kung finished products na ang mga ito.

Ang isang larangan na dapat din tayong umangat pa ay sa livestock at poultry production, dahil malaki pa ang potential natin dito. Malawak pa ang mga idle pasture lands na hindi pa natin napapakinabangan, at puwedeng gamitin sa pagpapalaganap, at pagtamnan ng pagkain, ng mga kambing, baboy, kalabaw, baka, tupa, at manok.

At puwede na rin tayong mag-tinda ng processed meat at gatas mula sa local livestock production natin. Kasama ito saplanong agro-industrialization na siyang dapat na nating isakatuparan.

Kaya tama rin, at lalo pa nating paiigtingin, ang mga programang ipinapatupad ng ating Provincial Veterinary Office, sa pamamagitan ng mga Farmers Livestock School, pagtayo ng mga technology demonstration farms, at pag-organize ng maraming farmer groups na magnenegosyo dito.

Magandang Takbo ng Turismo at Yumayabong na Kultura

 Kung tourism, history and culture naman ang pag-uusapan, ay talaga namang maganda ang takbo ng Pangasinan.

Noong 2016, umabot sa 8.78 million na turista ang naitalang pumunta sa ating mga tourist spots and destinations, kabilang ang Provincial Capitol, Manaoag Shrine, at Hundred Islands. Nagmula ito sa bilang na 6.75 million lamang noong 2015, nangangahulugan itong mahigit dalawang milyong dagdag na bisita.

Lalo pang dumarami ang dumaragsang mga bisita sa iba pang mga tourist spots and destinations kasama ang mga beach resorts sa coastal towns, mula Dasol hanggang San Fabian, Capitol Beach Front sa Lingayen, Hot Springs sa Balungao, at Sunflower Farm sa Tayug.

Higit pang madaragdagan ang mga turista at bisita, kung matapos ang joint-project ng Department of Tourism at Pangasinan Tourism Office na gawing pilot site ang Pangasinan sa Inclusive Local Growth River Tourism, at gagawing tourist destinations ang Balingasay River sa Bolinao, Limahong Channel sa Lingayen at Bugallon, at Balincaguin River sa Agno.

Sa history, culture, and heritage, nariyan at kasalukuyang ginagawa natin sa tulong ng Congressman Leopoldo N. Bataoil ng pangalawang distrito -ang restoration project ng ating Casa Real, na siyang magiging Provincial Museum pag natapos. Ang Casa Real, na itinayo noong 1840, ang unang Provincial Capitol ng Pangasinan.

Ang Center for Pangasinan Studies, na naitatag sa pamamagitan ng Provincial Ordinance No. 199 s. 2016, at matatagpuansa Bengson-Yuson House dito sa Lingayen, ang nangunguna sa cultural mapping project. Katuwang ang Pangasinan Historical and Cultural Commission, sila ang nago-organize ng training workshops for teachers upang masanay sa Pangasinan Orthography at maging bihasa sa tamang paggamit ng salitang Pangasinan sa kanilang pagtuturo. Patuloy din ang pagtanghal ng Kurit Panlunggaring, ang taunang paligsahan sa panunulat sa salitang Pangasinan. 

Pangangalaga sa Kalikasan

 Ang pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran ay nananatiling mahalaga sa atin. Sa loob ng sampung buwan mula noong July 2016 hanggang April 2017, nagpalaki sa ating provincial nurseries ng 243,000 assorted fruit at forest tree seedlings na ginagamit ng ating kababayan sa pagtatanim sa kanilang bakuran, eskuwelahan, tabi ng mga daan, at iba pang maaaring pagtamnan.

Nakapagpunla rin tayo ng 28,800 mangrove seedlings nanaitanim na sa 5.9 hectares coastal areas, at 2.4 linear kilometers sa river banks, sa ating lalawigan.

Mayroon ding 5,000 assorted fruit/forest tree seedlings nainalagaan at pinalaki ng ating beneficiaries sa Integrated Forestry Program,at naitanim na ang mga ito sa 11 ektarya ng kabundukan saating lalawigan. Layunin nating palawakin ang pagtatamnan ng ibat-ibang punongkahoy sa pamamagitan ng pagsuporta sa programang Adopt-a-Mountain ng DENR. Sa katunayan, mayroon ng paunang 20 ektarya na ipinagkaloob sa ating lalawigan at hinihintay pa nating maaprubahan ang ating hinihiling na karagdagang 30 ektarya.

Narinig na po ninyo siguro ang aming ginagawang weekly coastal clean-up drive, tuwing araw ng Biyernes dito sa Capitol Beachfront, kasama ang mga opisyal at kawani ng provincial government. Ito sana ang gusto naming gawin din ng lahat ng coastal barangays sa Pangasinan bilang pagkilala sa tungkulin ng bawat isa na pangalagaanang ating kapaligiran at kalikasan. 

Ligtas at Aktibong Pamayanan

 Sa dakong disaster risk reduction and management naman, gumagawa tayo ng kaukulang mga hakbang upang mas lalong lumakas ang ating kahandaan at kakayahan sa pagtugon sa mga sakuna.

Bilang pagkilala sa ating kakayahan, ang PDRRMO ay naimbitahang ibahagi ang kanilang DRRM Best Practices sa isang international workshop, ang “Uitemate” 2016.

Pinapalakas natin ang ugnayan sa mga community disaster volunteers sa buong lalawigan, kagaya ng Deltacom, Reaction 166, Kabalikat at cops-rescue at mga biker groups, upang dumami ang kasama natin na tutugon sa mga emergencies, at tutulong sa mabilisan at malawakang pagpapakalat ng mga mahalagang impormasyon at mga direktiba sa oras ng sakuna.

Ang Ligtas at Aktibong Pamayanan naman ay inilunsad natin upang mahikayat ang mga barangay na gumawa, lalo na yung mga hazard-prone areas, na gumawa at magsanay na isakatuparan, ng sariling action plan, rescue operations,at evacuation plans, at pati na rin sa pag-assess ng extent of damages para sa tamang paglunsad ng anumang relief and rehabilation efforts. Sa larangan ng training, tuloy-tuloy ang ating pag-gabay sa mga LGUs at iba pang mga stakeholders.

Magtatatag din tayo ng dalawang PDRRMO satellite offices, isa sa Eastern Pangasinan, at isasa Western Pangasinan, upang mas mabilis ang coordination at pagtugon sa panahon ng bagyo, sakuna, o kalamidad.

Bilang paghahanda, nagtayo po tayo ng dalawang palapag na Pangasinan Evacuation Center na kumpleto sa kagamitan dito sa compound ng Lingayen District Hospital na puwedeng matuluyan ng mga nasalanta, sakaling wala nang lugar sa kanilang mga bayan.

Bumili na rin tayo ng dagdag na land-based rescue vehicles, at apat na aluminum rescue boats para sa emergency response, search, at rescue operations, kung kinakailangan.

At upang ma-upgrade pa natin ang ating kakayahan na gumawa ng accurate hazard mapping, risk assessment, at information sharing, nag-pilot project ang JICA sa Pangasinan, at kasama ang Binmaley, Lingayen, at Dagupan City, sa pagtatag ng GeoCloud Integrated Geographic Information System for disaster management. Ito ay malapit nang matapos at magagamit sa pagkuha ng tamang geographic information para sa kaukulang disaster preparedness.

Ang ating pakikiramay sa mga nasalanta ng kalamidad ay hindi rin matatawaran. Tayo po ay namahagi ng P500,000 tulong pinansyal sa Bayan ng San Fernando, Camarines Sur na nasalanta ng Bagyong Nina at P500,000 din sa Surigao City dahil sa 7.2 magnitude na lindol.

Paggawa ng Mahahalagang Imprastraktura

 Puspusan din ang ginagawa nating construction at maintenance ng mga pangunahing mga daan, gusali, at iba pang mahalagang imprastraktura.

Sa loob ng siyam na buwan, mula noong July 2016 hanggang March 2017, gumastos tayo ng P71.8 million at natapos natin ang rehabilitation at improvement ng 64.5 kilometers ng provincial roads. Ang malaking bahagi ng P71.8 million na yan ay ang P56 million Motor Vehicles Users Charge (MVUC) Incentive Fund na ibinigay ng DILG sa Pangasinan dahil mabilis nating tinapos ang limang MVUC road projects natin noong 2015.

Gamit naman ang P2.2 million na provincial funds, ginawa natin ang minor routine maintenance ng 276.7 kilometers na provincial roads.

Sa kasalukuyan, ginagawa din natin, gamit ang DILG PRNDP-KALSADA Fund, ang 11.4 kilometrong Burgos-Iliw-Iliw Road sa halagang P88 million, at 4.5 kilometrong Urbiztondo-San Carlos Road sa halagang P37million.

Hinihintay pa natin ang DILG Conditional Matching Grant Fundna P167 million para sa rehabilitation ng 5.5 kilometer Malasiqui-Catablan Road; 1.7 kilometer Urbiztondo-Basista Road; at 2.7 kilometer Mapandan-Banaoang Road.

Totoo pong lahat ng provincial bridges ay gawa na sa permanent structure. Ngunit sa paglipas ng panahon, ang mga ito ay kailangang ayusin dahil sa bigat at dami ng mga sasakyang dumadaan. Kaya ginagawa natin ngayon ang major rehabilitation ng apat na tulay, sa halagang P66.3 million, ito ay ang mga sumusunod: Lokeb Bridge, Malasiqui; Aragaag Bridge, Asingan; Taculit Bridges I and 2, San Fabian.

Kung provincial roads naman ang pag-uusapan, tanging iisang kilometro nalamang ang natitirang hindi pa aspaltado o sementado, mula sa habang 22 kilometers noong June 30, 2016. Nakakatuwa dahil ang nag-iisang kilometrong naiwan ay nasa loob mismo ng San Roque Power Plant compound, kaya pinag-uusapan na kahati sa gastos ang San Roque Power Corporation kung gagawin ito. 

Pagpapatayo ng mga Gusali sa Kapitolyo at mga Ospital

 Inayos din natin ang 8 provincial buildings, at isinagawa ang preventive maintenance ng 34 provincial buildings sa halagang P5.9million.

Kinumpuni din natin ang Narciso Ramos Gymnasium kabilang ang pagpinta at paglagay ng state-of-the-art taraflex rubberized flooring. Sa kasalukuyan, inaayos ang swimming pool sa Narciso Ramos compound, at ipapatupad din natin sa lalong madaling panahon ang water-proofing ng bleachers ng grandstand ng nasabing pasilidad.

Gamit ang P4million cash incentive mula sa DILG Performance Challenge Fund, at P3.4 milyong pondo ng provincial government, itatayo natin ang Hall of Fame Building/Abong na Dayew sa tabi ng Urduja House,  na paglalagyan ng mga awards at recognitions na natanggap,at matatanggap pa natin, sa paglipas ng panahon.

Nasimulan na rin natin ang pagpapatayo ng Pangasinan Training and Development Center 2 na halos doble ang laki sa kasalukuyang training center upang matugunan ang lumalaking pangangailangan para pagdausan ng mga malalaking kaganapan.

Dagdag pa dito, natapos natin ang 38 projects sa pag-sasaayos sa ating mga ospital na may halagang P38.9 million, at patuloy ang pagkukumpuni ng mga gusali sa  mga nasabing pasilidad.

Bukod sa mga pag-aari ng pamahalaang panlalawigan, tinutulungan din natin ang mga bayan at mga barangay kasama na ang mga paaralan, sa pagpapatayo o pagkukumpuni ng sari-saring gusali at imprastraktura.

Gumawa tayo ng 23 school building projects (P38.8 million); 42 units artesian wells (P4.7 million); 7 flood control projects (P12 million);7.4 kms concrete barangay roads, at 38 kms asphalt barangay roads (P120million); rehabilitation ng 4 na barangay bridges (P23.3million); 3 barangay covered courts, 1 Day Care Center, 1 barangay hall, 1 multi-purpose building, and 2 senior citizen centers (P13.1million).

Mapalad tayo sa Pangasinan dahil nakita ninyo naman kung gaano kalaki ang mga pondong ambag ng national government sa ating mga proyekto sa mga ospital, mga pangunahing daan, at iba pang vital support facilities.

Sa huling tala, ang ambag na pondo ng national government para sa provincial government ng Pangasinan, sa dalawang magkasunod na taon 2016-2017, ay higit sa P700million, kung pagsasamahin natin ang mga tulong galing sa DOH, DILG, at DA.

Ito ay malinaw napagkilala sa ating kakayahan sa project management and implementation, at sa pagbibigay ng tapat at malawakang serbisyo, na nakita nila sa maayos na pagpapatakbo ng ating mga ospital, at sa magandang performance ng ibat-ibang sangay ng provincial government. 

Good Local Governance

 Maganda rin po ang pasok ng local revenuessa kaban ng yaman ngating lalawigan. Sa katunayan, ay humigit ng 4.9% sa estimated income ang actual collections na pumasok sa kaban ng ating Lalawigan noong 2016.Lumalabas din na patuloy na tumataas ang revenue collections sa nakalipas na unang bahagi ng kasalukuyang taon.

Ang ibig sabihin, nanatiling maganda po ang takbo ng revenue generation at fiscal resources management natin dito sa Pangasinan, kaya naman consistent national passer tayo sa Seal of Good Local Governance.At dahil dito, malakas ang tiwala ng national government na mag-ambag ng malalaking pondo para sa ating mga proyekto sa Pangasinan.

Bilang pagtugon sa hamon ng panahon, at sa mga bagong batas, ang 9th Sangguniang Panlalawigan ay masusing sinuri, sinaliksik at pinagbuti ang GAD Code, Children’s Code, at Investment and Incentives Code ng ating lalawigan. Kasalukuyan din nilang binabalangkas ang pag papasa ng Amended Revenue Code.

Mga kababayan, nanatilingmaganda at mataas ang ating katayuan dahil sa maigting na pagtutulungan at pagkaka-isa nating lahat sa pagpapatupad at pagsasagawa ng mas pinag-ibayo at pinalawak na mga programa tungo sa ating iisang layunin na laging number one ang Pangasinan sa lahat ng larangan ng pamamahala at pagpapa-unlad.

Ang lahat ng ito ay ginagawa natin ng buong sigasig at katapatan, dahil lahat tayo, mahal natin ang Pangasinan.

Ipagpatuloy po natin ito, para sa magandang kinabukasan ng ating mga anak, at sa mga susunod pang henerasyon sa Pangasinan.

At naway patnubayan po tayo ng Poong Maykapal.

Maraming salamat po sa inyong lahat.

Related Posts

  • BOY SCOUTS CAMPINGMay 4, 2014BOY SCOUTS CAMPING BOY SCOUTS CAMPING----Governor Amado T. Espino, Jr. (center) flashes the number one sign with the officials and officers of the Boy Scouts of the Philippines (BSP) led by BSP Sec. Gen. […]
  • Toff dares youth to engage in agri-businessOctober 9, 2016Toff dares youth to engage in agri-business Fourth District Rep. Toff de Venecia visits a farm in San Fabian with town's community leaders.  “AGRI-business is the new sunshine industry in the Philippines”, asserted Rep. Toff […]
  • Cojuangco inspires marketing educatorsJuly 20, 2014Cojuangco inspires marketing educatorsCOJUANGCO UPDATES FORMER Pangasinan Fifth District Rep. Mark O. Cojuangco was warmly received by hundreds of students and faculty members from various colleges and universities as their […]
  • Ang love ni Rachel – Distrito 3!March 5, 2009Ang love ni Rachel – Distrito 3! Ang Pagtulong Sa Kapwa By Pauline (EDITOR'S NOTE: Ito ang ikalawang report ni Pauline sa mga pinagkakaabalahan ni Congresswoman Rachel Arenas sa ika - 3 Distrito ng […]
  • Pangasinan Economy on the Upswing Gov. Espino Stresses in its 8th SOPAFebruary 22, 2015Pangasinan Economy on the Upswing Gov. Espino Stresses in its 8th SOPACAPITOL NEWS GOV. Amado T. Espino, Jr. said in his 8th State of the Province Address (SOPA) last Monday that because of the full cooperation of all sectors, Pangasinan is now steadily […]