Ang love ni Rachel – Distrito 3!

By June 15, 2009Governance, News

Anak, pasukan na, heto ang iyong kwaderno, libro at iba pa!

Ni Pauline

At ang iba pa ay ang bubong at dinding ng iyong bagong eskwela, ang iyong tulay, kasama na ang iyong kalsada!

Tila isang tula na nilapatan ng pintig ng musika. Ito ang buhay na buhay na mga programa ng Kongresista Rachel “Baby” Arenas. Mga programang pangkabuhayan, pangkalahatan, pang-kinabukasan. Dahil love niya ang ikatlong distrito – bata man o matanda, mga ama at mga ina, si ate at si kuya. At yaong sa kanya ay nagmamahal o malapit na malapit nang sa kanya ay magmahal.

Ang mga kwento na ito ay bunga ng pagsunod at paghabol sa ihip ng kanyang pagdaan sa ilang bayang nasasakupan ng kanyang distrito. Tatlong araw ng pagmamatyag, maulanan o maarawan, magutoman o di matunawan.

Hindi lamang tapat na mambabatas ang mapalad na natagpuan ng mga taga-ikatlong distrito. Sa labas ng Kongreso, sa banda rito ng lalawigang Pangasinan, si Kong Rachel ay ulirang ina sa kanyang mga “anak”, mapag-alalang anak sa kanyang pinagmulan.

rachel1

rachel2

Ang silid paaralan (itaas) sa Barangay Luyan, bayan ng Mapandan ay handog ni Kong Rachel sa kabataan sa barangay nuong Lunes, ika-8 ng Hunyo, unang araw ng pasukan sa elementarya. Kasama ng Kong Rachel sa pagputol ng ribbon si Mayor Ferdinand Calimlim Jr., District Engineer Marieta Mendoza, DepEd District Supervisor Jonathan Malanum, PTCA President Alex Carlos, Brgy Kapitan Oscar Quinto Sr., at mga Kagawad Evelyn Siapno, Remy Lopez , Nestor Tropia, Jose Carino, Ernesto Nato at Almario Natnat.

rachel3

rachel4

rachel5

rachel6

rachel7

Sa dako pa roon ng Luyan ay ang barangay ng Torres. Meron ding ribbon-cutting ng bagong silid-aralan. Kasama pa rin si Mayor Ferdinand Calimlim Jr. ang Principal Carmen Fernandez ng Torres Elementarya School, Prinicipal Elvira Velasquez ng Torres High School, Brgy Kapitan Herminigildo Castro at PTCA President David Caberto.

rachel8

rachel9

rachel10

Tulad ng Luyan, di alintana ng Kong Rachel na ang kanyang tagapakinig ay may mga gatas pa sa labi. Naki-pag Appear pa siya at Give-me-five! pa nga!

Back to Homepage




Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments