Ang love ni Rachel – District 3!

By June 1, 2009Governance, News

Magkasama sa hirap at sa ginhawa

Ni Pauline

Alas-nuwebe ng umaga, Biyernes, ika-29 ng Mayo, balewala sa amin ang malamig na patak na ulan sa aming ulo at mga balikat. Balewala rin ang nanlalamig naming mga talampakan sa kasusulong sa naipong tubig sa kalsada. Walang makakapigil sa aming pagtungo sa Ugnayan 2009 sa Dagupan People’s Astrodome. Ang mensahe ng pagbati at pakikiisa ng Kongresista Rachel “Baby” Arenas ng ikatlong distrito ay dapat niyang maiparating sa mga mahigit na dalawang libong mga kababaihang taga-Malasiqui na pawang mga rehistradong miyembro ng Tulay sa Pagunlad, Inc. (TSPI) a development corporation.

Ang TSPI ay isang Christian Organization na nagpasiyang pumasok sa micro-financing bilang pagkilala sa pangangailangang financial ng mga mahihirap sa kanilang mga kasamahan. Sa ganitong paraan, mabibigyan ng solusyon hindi lamang ang gutom na pang-espiritwal. Mabibiyan din ng solusyon ang gutom ng walang lamang sikmura. Higit na madaling maunawaan ang banal na salita kung walang umungol sa bandang ibaba ng puso o pusod. Marahil, ito na ang sekreto ng patuloy na tagumpay at paglaganap ng TSPI micro-financing.

pict-1

pict-2

(Taas na litrato) Si Malasiqui Mayor Armando Domantay, Gng. Assunta
Domantay, Area Manager Cherry Lyn Tamondong, Kong. Rachel Arenas,
Branch Manager Ryan Diaz. (Ibababng litrato) Si Kong. Rachel
habang nakikipag-usap sa mga miyembro ng TSPI.

Alas-dyes ng umaga, sa Barangay Burgos-Padlan, syudad ng San Carlos, si Kong. Rachel mismo ang nagpa-simula sa pamimigay ng mga notebooks sa mga 217 na mag-aaral sa elementarya na mula sa mga pamilyang mahigit na ngangailangan dahil sa pagkasalanta ng nagdaang mga bagyo. “Kung natagalan man, sinisigurado kong makararating pa rin ang sagot sa inyong mga kahilingan,” ito ang pangako ni Kong. Rachel noon pa man. Nang nakaraang taon, matapos magdaan ang bagyong Cosme, sina Barangay kagawad Eric Melendez at Bradford Sorio ang naghain ng resolusyon na humihingi ng tulong pang-eskwela para sa mga estudyante na ang kanilang pamilya at tahanan ay nasalanta. Isang simpleng kahilingan na nabigyan ng isang simpleng kasagutan. “Hinding-hindi ko kayo malilimutan” ani Kong. Rachel.

pict-3

“Give me five!” wika ni Kong Rachel pagka-abot ng
notebooks sa mga batang ito. Sa kanyang bandang kaliwa ay
isa sa kanyang mga coordinators, Engineer Lawrence de Guzman.

Alas-onse ng umaga, kami’y nasa Barangay Bacnar, San Carlos para sa ground-breaking ceremony ng ipinapatayong P2.5 million Multi-Purpose Building (gym) sa loob ng bakuran ng Bacnar Elementary School sa tulong ng Kong. Rachel. Ang barangay ay halos nakatanggap rin ng P1.6 million mula kay Kong. Rachel para sa pang-ayos ng tulay.

pict-4

pict-5

Si Kong. Rachel kasama ni Barangay Bacnar Kapitan Melchor
Malasan, sila Kagawad Esperanza Abuang, Fidel Castro, Ferdinand Mislang,
Arcadio Devalle, Elisa Aquino at Principal Camilo Bulatao.

Alas-dose ng tanghali, nang kami ay papaalis na, nahihiyang lumapit ang isang ina, si Evangeline Calugay, na ipinagtulakan pa ng mga kagawad.

pict-6

Ang kanyang anak na si Mark Anthony ay may problema sa bato at ito ay kitang-kita sa namamagang kundisyon ng katawan ng bata. Sa pangako ni Kong. Rachel, sa Lunes, ang bata ay patungo na sa Regional Hospital upang mabigyan ng karampatang lunas. At sa puntong ito, tuluyang lumuha ang kanyang ina.

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments