|
Ang
love ni Rachel - Distrito 3!
Ang Kaibahan ng
Kababaihan
(Part
2)
Ni Pauline
Sadyang napakasaya ng paghihiwalay ng
mga kababaihan ng syudad ng San Carlos
matapos ang kanilang selebrasyon ng
Women's Month. Nabuo, at nahigitan pa
nga ng Local Councils of Women ang
kanilang hiling na pondo mula kay
City Mayor Julier "Ayoy" Resuello
at Kongresista Rachel "Baby"
Arenas para sa kanilang
soap-making livelihood program!
Nasa kalagitnaan na kami ng biyahe
patungong Barangay Libas nang tumunog
ang celpon ng Kongresista. Kung sana ang
damdamin ng nag-send ay pwedeng ipadala
sa text, sa wari ba namin ang text na
ito ay punong-puno ng pag-aalala: Huwag
na po kayong tumuloy sa Libas, please
lamang po. Ang mensahe ay hindi lamang
minsan ipinadala. Paulit-ulit, nguni’t
napalitan ang nakarehistrong celfon
number.
|